Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sari-sari store sa Kabacan, nilooban; mga nakaw na items narekober

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Abot sa mahigit sa P2,000 mga stocks ang muntik ng matangay ng di pa nakilalang magnanakaw matapos na manakawan ang Sari-sari store sa Mapanao St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.


Batay sa report ng Kabacan PNP napigilan ang nasabing pagnanakaw matapos na marekober ang mga stolen items ng isa sa mga empleyado ni Kim Enanoria, may ari ng Carry Beer House, malapit sa pinangyarihan ng insedente, makaraang makatanggap ito ng text hinggil sa nasabing nakawan.

Ang nasabing tindahan ay pag-mamay-ari ni Juliet Dalayuan Salazar, 39, May asawa at residente ng Purok Masagana ng nabanggit na bayan.

Maliban sa stocks ng tindahan, natangay pa ng salarin ang electric fan at mga cosmetics nito.
Sinira umano ng suspek ang kahoy na bintaha ng nasabing tindahan upang gawing entrance at exit point.

Sa ngayon subject for manhunt na ng Kabacan PNP ang nasabing suspetsado.
Ito na ang ikalawang kaso ng nakawan na naitala ngayong linggong ito ang una ay isa ring tindahan sa USM Avenue ang nilooban at nilimas ang iba’t-ibang mga gamit. (RB ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento