Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Entrepreneurial ship hinihikaya’t ng isang opisyal sa R-12; bilang sagot sa kawalan ng trabaho ngayong Labor day

(Kabacan, North Cotabato/May 1, 2012) ---Hinikaya’t ngayon ni Philippine Information Agency Regional Director 12 Olivia Sudaria ang mga mag-aaral na kukuha ng entrepreneurial ship, bilang tugon sa tumataas na kawalan ng trabaho sa bansa.


Ito ang sinabi ng opisyal na una naring ikinakampaya ng pamahalaan lalo na ng Department of Labor and Employment o DOLE at ng Department of Trade and Industry o DTI.

Aniya sa pamamagitan ng pagnenegosyo ay marami ang mabibigyan ng trabaho.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng pagdiriwang ngayong araw ng araw ng mga manggagawa o Labor day na ideneklarang holiday.

Kaugnay nito, gagawin ang simultaneous job fairs sa tatlong mga lugar sa Socksargen bukod pa sa mga nakahanay na aktibidad ngayong araw na kinabibilangan ng paglulunsad ng SPES-TWSP Convergence Program, Franchising seminar, livelihood fair, awarding of starter kit at nego karts sa Kidapawan City.

Habang gagawin naman sa Tacurong city ngayong araw ang tree planting, blood letting at Pinoy games bilang bahagi ng nasabing selebrasyon.

Samantala, may payo naman ang opisyal lalo sa mga bagong graduate at sa mga naghahanap ng trabaho na wag agad mag-asa na mabigyan ng trabaho at higit sa lahat ay wag mamimili ng trabaho.

Inihalimbawa pa ng director ang sarili nito na nag-umpisa rin siya sa baba nagsikap bago siya umaangat sa organisasyon.

Tinukoy pa nito na dapat ay may sapat na karanasan o experience ang isang tao upang madaling makapasok sa trabaho. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento