(Kidapawan City/May 2, 2012) ---Narekober
ang isang M16 armalite rifle sa isang inabandonang sasakyan na nakaparada sa
gilid ng National Highway sa Kidapawan city dakong alas 7:00 ng gabi,
kamakalawa.
Ayon kay Supt. Renante Cabico, City Police
Director ng nasabing lungsod, isang Jun Obello na tauhan ni Cotabato 2nd
district Representative Nancy Catamco ang nagpakilalang may ari ng nasabing
long firearm.
Aniya, ang nasabing armas ay inisyu sa kanya
ng isang pulitiko sa North Cotabato.
Pero ng hanapan ng mga otoridad ng permit to
carry si Obello, bigo itong makapresenta at sa huli, inamin nito sa mga pulis
na ang naturang baril ay ipinagkaloob sa security escort ni Congresswoman
Catamco.
Dahil nga sa walang maipakitang kaukulang
papeles si Obello, inilagay ngayon sa kustodiya ng Kidapawan city PNP ang
naturang armas.
Magsasampa naman ng kaso ang mga otoridad
kung di makapagpakita ng kaukulang dokumento ang opisyal.
Sinabi ni Obello na ang nasabing armas ay
naka-assigned sa isang Sgt. Rolando Talandron, squad leader ng 57th
Infantry Battalion, PA na siyang nakadestino na security escort ni Rep.
Catamco.
Kahapon ng umaga, dinala ni Talandron ang acknowledgement receipt, kungsaan nakasaad na ang M16
armalite rifle na may serial number 08493 ay inisyu sa kanya ni Lt. Col. Noel
dela Cruz, acting commanding officer of the 57th IB, na may petsang January
20, 2012.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento