Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit P100 M bridge project, nakatakdang ipatupad sa North Cotabato


(Alamada, North Cotabato/August 3, 2012) ---Inihahanda na ng Department of Public Works and Highways o DPWH 2nd District Engineering Office ang mga dokumento upang masimulan na sa lalung madaling panahon ang Raradangan Bridge Rehabilitation Project sa Alamada, North Cotabato.

Nasa finalization na ngayon ng program of works ang DPWH at nakatakda na ring isapubliko ang schedule ng open public bidding para sa nabanggit na proyekto.

PPALMA farmers, hinihikayat na ibenta ang kanilang produkto sa NFA


(Midsayap, North Cotabato/August 3, 2012) ---Hinihikayat ng National Food Authority o NFA ang mga magsasaka ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan na kung maari ay ibenta sa NFA warehouses ang mga palay na kanilang inani.

Sinabi ni NFA XII Regional Director Cris Mangaoang, sinisikap ng NFA na bilhin ang mga produkto ng rice farmers sa rehiyon base sa presyong itinakda ng batas. Ginawa ito ni Director Mangaoan sa ginanap na Ugnayan sa mga magsasaka ng PPALMA sa conference Hall ng opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan sa MIdsayap.

Tulak droga na 32-anyos na Ginang, huli sa panibagong buybust operation ng mga otoridad


(Kabacan, North Cotabato/August 3, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 32-anyos na ginang makaraang mahuli ito sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa mismong bahay nito sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan alas 5:20 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCIns Jubernadine Panes, deputy chief of Police ng Kabacan ang suspek na si Paida Manano, may asawa residente ng nabanggit na lugar.

Negosyante, maswerteng nakaligtas matapos na target sana sa panibagong shooting incident sa Kabacan


(Kabacan, North cotabato/August 3, 2012) ---Maswerteng nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang negosyante na taga-Kabacan makaraang barilin ito ng di pa nakilalang suspek alas 4:30 kahapon sa loob ng Public Market.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Frank Graza nasa tamang edad.

Kampanya kontra kriminalidad, puspusang ipinapatupad sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 2, 2012) ---Puspusan ngayon ang ipinapatupad ng mga otoridad sa bayan ng Kabacan hinggil sa kampanya ng mga ito kontra anumang kriminalidad.

Sinabi sa DXVL ngayong hapon ni Police Insp. Tirso Pascual, head ng Task Force Chrislam na simula kaninang umaga kasabay ng pagbubukas ng Market day sa bayan ay isinasagawa nila ang visibility at foot patrol sa mga matataong lugar sa bayan ng Kabacan.

Kabilang sa mga lugar na mahigpit na binabantayan ng mga ito ay ang Public Market, Kabacan Terminal Complex, National Highways at iba pang mga lugar kagaya ng USM Avenue kungsaan dagsaan ang mga tao.

Most wanted person sa Kidapawan City arestado ng PNP


(Kidapawan City/August 2, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Supt. Renante Cabico, ang number one most wanted person sa buong lungsod na kinilalang si Onofre Tejedor Nuenay, 43, na may kasong murder, attempted murder, at frustrated murder na naganap, dalawang taon na ang nakalilipas.
      
Ayon kay Cabico, halos isang buwan din nila’ng inoperasyonan si Nuenay bago ito ganap na naaresto, alas-230 ng hapon, kahapon, sa bahay nito sa Purok-Dos, Barangay Lanao ng lungsod.
      
Matagal na raw wala sa bahay niya ang suspect.

Kauna-unahang Gender and Development (GAD) Summit sa Region 12, isasagawa sa USM, Kabacan, Cotabato


(USM, Kabacan,North Cotabato/August 2, 2012) ---Pormal ng magsisimula ngayong umaga ang dalawang araw na Gender and Development (GAD) Summit na gagawin sa Café Martina ng University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay GAD-CHED Region XII Focal Person Corazon Haguisan ang nasabing summit ay kauna-unahan sa Region 12, ito dahil ang ganitong gawain ay dating pang National level lamang.

Isang libu lang ang ibinayad sa pagtumba sa dating MPDC Officer ng Datu Montawal; Vice Mayor ng Datu Montawal, itinanggi naman na siya ng responsable sa nasabing krimen


(Datu Montawal, Maguindanao/August 2, 2012) ---Itinuturong mastermind sa pagpatay sa municipal planning and development officer ng Datu Montawal, Maguindanao ang isa sa mataas na opisyal ng naturang bayan na si Vice-Mayor Muhalidin Bao.
         
Ibinatay ang report sa naging testimonya ng self-confessed killer na si Anwar Dagem na hawak na ng Kabacan PNP noon pang nakaraang buwan.

Presidente ng Tricycle Association ng Kabacan, sugatan makaraang mahulugan ng sanga ng Kahoy


(Kabacan, North Cotabato/August 1, 2012) ---Sugatan ang isang tricycle driver habang yupi naman sasakyan nito makaraang mahulugan ng sanga ng Mahogany sa harap ng College of Education at ng USM gym ngayong umaga lamang.    
                                          
Kinilala ni Security Services Management Director Orlando Forro ang biktima na si Jeffrey Pedtamanan, nasa tamang edad, residente ng brgy Magatos at Presidente ng Kabacan Tricycle Drivers Operators Association o KOLTODA.  

Documentation and photography, itinuro sa tri- people communities sa North Cotabato


(Midsayap, North Cotabato/August 1, 2012) ---Pinangunahan ng Southern Christian College ang tatlong araw na Documentation, Minutes Writing and Photography Training Workshop para sa tri- people partner communities nito.

Layunin ng nasabing pagsasanay na maituro sa mga participants ang kahalagahan ng maayos at masusing pagdokumento ng mga pagpupulong, larawan at iba pang mahahalagang kaganapan sa kanilang komunidad, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

25 anyos na may ari ng Cellphone Repair Shop; patay sa panibagong pamamaril sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/July 31, 2012) ---Patay ang isang 25-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng baril sa harap ng kanyang pwesto malapit sa Raymunds Bakeshops, Rizal St., National Highway, Kabacan, Cotabato alas 12 ng tanghali kanina.

Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Bita, 25 taong gulang, may asawa at may ari ng Xyris Cellphone Repair and Accessories Shop at residente ng Brgy. Dagupan ng bayang ito.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanan at kaliwang bahagi ng dibdib at tiyan nito na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist subalit ilang sandali lamang ang lumipas ay binawian na rin ito ng buhay.

Featured Story: Krislam

Ni: Liwaway Mandirigma

“Score ka Sir?” sa pagsasalaysay ng aking kaibigan habang nginangatngat ko ang nalalabing butil ng pakwan. “Bakit tita, mukha naba akong adik?” Sa paghihimotok nya.

Ito ang kanyang naging karanasan sa purok Krislam. Isang lugar na naging bantog hindi dahil sa kagandahan ng lugar kundi dahil sa pinakakilalang source ng tinatawag nilang “bato” o “shabu”. Madalian lamang daw kung gusto mong tumira dito.


Malawakan ang kalakaran ng “bato” sa lugar na ito. Ibat-ibang magagarang sasakyan ang bigla nalang sumusulpot at umaalis. Kahit bata ginagamit na rin upang magbenta nito. Nakakatakot isipin na sa di kalaunan magiging “family enterprise” na rin ito.

Estudyante na hit and run sa Kabacan Highway; suspek tumakas


(Kabacan, North Cotabato/July 31, 2012) ---Isang Toyota Pick-up Elf ang naka-hit and run sa isang estudyante ng Katidtuad High School sa bahagi ng Katidtuan National Highway alas 7:00 ngayong umaga.
Ayon kay P/Insp. Tirso Pascual sa panayam ng DXVL News ngayong umaga, patuloy na pinaghahanap na nila ngayon ang nasabing sasakyan na posibleng may plate # na PGG 108, PJJ108, PGG 109, PJJ 109, PGG 509 at PJJ 509.

Libu-libung halaga ng pera at mga personal na belongings, natangay sa panibagong robbery hold-up sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/July 31, 2012) ---Isang robbery hold-up ang naganap sa Sitio Malabuaya sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 12:30 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Police Inspector Tirso Pascual, ang nasabing sasakyan ay isang maliit na Van na may plate # MFA 783 kulay dark blue na biyaheng buhat sa cotabato city papuntang Kidapawan City ng mahold-up ng mga armadong kalalakihan.

2 katao panibagong huli dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/July 30, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuling nagtutulak ng illegal na droga na mas kilala sa tawag na shabu sa Ma. Clara St., Poblacion, Kabacan alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Simeon Kido Zacaria Jr. at  Jayson Abed kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Narekober mula sa mga suspek ang 11 piraso ng small heat sealed plastic sachet na nagkakahala ng abot sa P11,000.00, cash money na nagkakahalaga ng P11,500 kasama na ang marked money.

Mag-pinsan, maswerteng nakaligtas sa pamamaril sa Kabacan, kagabi; bangkay naman ng lalaki natagpuang sa ilog ng Rio Grande de mindanao


(Kabacan, North Cotabato/July 30, 2012) ---Maswerteng nakaligtas ang dalawang magpinsan makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalangmga suspek sa boundary ng Brgy. Dagupan at Aringay sa bayang ito alas 8:00 kagabi.

Kinilala ni Police Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP, ang mga biktima na sina Carl Soriano at Ringo Soriano, parehong nasa tamang edad at kapwa residente ng Brgy. Dagupan.

Sa inisyal na imbestigasyon, inabangan umano ang dalawa habang sakay sa kanilang XRM na motorsiklo ng ratratin ng mga suspek.

Tribal Chieftain pinatay at mga sibilyan hinostage ng mga NPA sa North Cotabato


(Arakan, North Cotabato/July 28, 2012) ---Pinasok ng tinatayang anim na pung mga miembro ng New Peoples Army ang Sitio Kiapat, Barangay Ganatan, Arakan, North Cotabato dakong alas 2 ng madaling araw kanina.

Ayun kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief,Colonel Prudencio Asto na iginapos ng mga rebelde sa puno ng kahoy ang lahat ng mga kalalakihan at labis na pinahiran ang tribal chieftain nito na nakilalang si Libontos Impok Ansabo alyas Datu Ibon.

37-anyos na lalaki, huli sa aktong naghihithit ng shabu sa Kabacan; Arestado ng Kabacan PNP


(Kabacan, North Cotabato/July 28, 2012) ---Arestado ngayong hapon lamang ang isang 37-anyos na lalaki makaraang mahuli ng mga pulis sa Enanoria Residence na nasa Rizal St., National Highway Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuli na si Arnold Doctolero na residente ng Lanang, Davao city.

Narekober mula sa kustodiya ng suspek ang isang plastic heat sealed sachet, mga aluminum foil at dalawang lighter.