(Alamada, North
Cotabato/August 3, 2012) ---Inihahanda na ng Department of Public Works and
Highways o DPWH 2nd District Engineering Office ang mga dokumento
upang masimulan na sa lalung madaling panahon ang Raradangan Bridge
Rehabilitation Project sa Alamada, North Cotabato.
Nasa finalization na
ngayon ng program of works ang DPWH at nakatakda na ring isapubliko ang
schedule ng open public bidding para sa nabanggit na proyekto.
Ayon kay
Congressional District Office Political Affairs Officer VI Engineer Jerry
Pieldad, abot sa higit 100 milyong piso ang inilaang pondo para sa Raradangan
Bridge Rehabilitation Project.
Noong 2009 ay
nagpagawa ang provincial government ng isang bailey bridge upang pansamantalng
gamitin ngunit agaran naman itong nasira dahil sa Bagyong Frank.
Kaya’t sinikap ni
North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na idulog sa
pambansang gobyerno ang rehabilitasyon ng Raradangan Bridge.
Ang Raradangan
Bridge ay siyang pangunahing tulay na ginagamit ng mga residente sa lugar upang
iluwas ang kanilang mga produktong palay, mais, niyog, rubber, oil palm at iba
pa.
Matagal na ring pinapangarap ng mga
residente sa lugar na maisaayos na ang nasirang tulay. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento