(Datu Montawal, Maguindanao/August 2,
2012) ---Itinuturong mastermind sa pagpatay sa municipal planning and
development officer ng Datu Montawal, Maguindanao ang isa sa mataas na opisyal
ng naturang bayan na si Vice-Mayor Muhalidin Bao.
Ibinatay ang report sa naging
testimonya ng self-confessed killer na si Anwar Dagem na hawak na ng Kabacan
PNP noon pang nakaraang buwan.
Sa sinumpaang salaysay ni Dagem,
sinabi niya na si Vice-Mayor Bao ang kumontrata sa isang nagngangalang Meno at
Ali Toto – mga pangunahing suspect sa pagbaril at pagpatay sa MPDO na si
Engineer Ronald Bantiding noong June 13.
Si Meno, ayon kay Dagem, ang
kumontrata sa kanya na may tatrabahuin sila.
Si Dagem nagsilbing ‘lookout’ para
bantayan ang pagdating ni Bantiding sa highway.
Pero ang bumaril at tumapos sa buhay
ni Bantiding ay sina Meno at Ali Toto.
Si Vice-Mayor Bao ang umaano nag-abot
ng bayad kay Meno. Isang libo lang ang tinanggap niya’ng bayad. Nahuli si Dagem
noong mga huling linggo ng Hunyo. Dito niya ikinanta ang kaugnayan niya sa
naturang krimen.
PERO TODO-TANGGI si Vice-Mayor Bao sa
alegasyon. Di raw niya kilala si Dagem.
Wala rin daw dahilan para patahimikin
si Bantiding dahil itinuring na niya’ng kamag-anak ito.
Paniwala niya, maagang pamumulitika
ito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento