(Kabacan,
North Cotabato/July 30, 2012) ---Maswerteng nakaligtas ang dalawang magpinsan
makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalangmga suspek sa boundary ng Brgy.
Dagupan at Aringay sa bayang ito alas 8:00 kagabi.
Kinilala
ni Police Insp. Tirso Pascual ng Kabacan PNP, ang mga biktima na sina Carl
Soriano at Ringo Soriano, parehong nasa tamang edad at kapwa residente ng Brgy.
Dagupan.
Sa
inisyal na imbestigasyon, inabangan umano ang dalawa habang sakay sa kanilang
XRM na motorsiklo ng ratratin ng mga suspek.
Di
naman tinamaan ng bala ang dalawa, pero nag tamo ng mga minor injuries na
mabilis namang isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital para mabigyan ng medikal
na atensiyon.
Ayon
sa opisyal narekober nila mula sa crime scene ang Pitong basyo ng armalite
rifle.
Inaalam
pa ng mga pulisya kung anu ang motibo ng
nasabing tangkang pagpatay sa dalawa.
Samantal
sa iba pang mga balita, isang bangkay ng lalaki ang nakitang pa;utang-lutang sa
ilog ng rio Grande de Mindanao alas 6:00 ng umaga nitong Sabado.
Ayon
kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang biktima ay nagtamo ng tama ng
bala sa kanyang ulo at sa dalawang kamay nito kung saan itinali ang dalawang
kamay nito.
Ayon
sa mga residente sa lugar ang biktima ay kilala umano sa tawag na Dodong Pogi,
pero hanggang ngayon ay di pa rin batid ang totoong pagkakakilanlan ng biktima.
Ang
biktima ay nakasuot ng kulat itim na t-shirt na may nakasulat na “Camaguin” at tattoo
na Guardian na nakaguhit sa kanyang braso.
Ayon
sa report, ang nakitang bangkay ay pang-apat na sa mga biktima ng summary
execution na narekober simula buwan ng Hunyo, ayon sa report. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento