(Kabacan, North Cotabato/July 28, 2012) ---Arestado
ngayong hapon lamang ang isang 37-anyos na lalaki makaraang mahuli ng mga pulis
sa Enanoria Residence na nasa Rizal St., National Highway Kabacan, Cotabato.
Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuli na si
Arnold Doctolero na residente ng Lanang, Davao city.
Narekober mula sa kustodiya ng suspek ang
isang plastic heat sealed sachet, mga aluminum foil at dalawang lighter.
Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Supt.
Raul supiter, hepe ng Kabacan PNP, PCI Jubernadine Panes, Deputy chief kungsaan
saksi din sa pag-aresto si Poblacion Kagawad David Don Saure.
Una dito, nasamsam din kagabi ng mga pulisya
ang abot sa P170,000 na halaga ng shabu bukod pa sa cash at marked money na
nagkakahalaga ng P16,400.00 mula sa isang Talumbay Badal kasama ang tatlong mga lalaki at isang
dalagita na menor de edad.
Naaresto ang suspek sa isinagawang buybust operation sa inuupahang bahay
ng mga suspek sa likod ng Adelaid Oasis na nasa Abellera St., Poblacion ng
bayang ito.
Patuloy naman ang ginagawang operasyon ng mga pulisya upang tuluyang
masawata na at malinis ang bayan ng Kabacan sa nangungunang illegal drug
traders. Ito ay kasunod na rin ng deriktiba ni PSSupt. Cornelio Salinas,
Provincial Director ng North Cotabato dahil sa pinangangambahan nito nab aka
maging narco-politics ang bayan kung di ito agad na masawata. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento