Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PPALMA farmers, hinihikayat na ibenta ang kanilang produkto sa NFA


(Midsayap, North Cotabato/August 3, 2012) ---Hinihikayat ng National Food Authority o NFA ang mga magsasaka ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan na kung maari ay ibenta sa NFA warehouses ang mga palay na kanilang inani.

Sinabi ni NFA XII Regional Director Cris Mangaoang, sinisikap ng NFA na bilhin ang mga produkto ng rice farmers sa rehiyon base sa presyong itinakda ng batas. Ginawa ito ni Director Mangaoan sa ginanap na Ugnayan sa mga magsasaka ng PPALMA sa conference Hall ng opisina ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan sa MIdsayap.

Binigyang - diin naman ng opisyal na hindi nakikipag- kompetensya ang NFA sa mga private traders ngunit nais lamang nilang ipaalam ang malaking benipisyong makukuha ng mga magsasaka mula sa NFA.

Kabilang na dito ang cooperative development incentive fund na ipinamimigay ng NFA sa mga magsasakang magbebenta ng palay sa kanilang ahensya.

Ayon kay NFA North Cotabato Provincial Manager Fernando Nuá¹…ez, target nilang makabili ng abot sa 120 thousand bags of palay sa North Cotabato bago magtapos ang 2012.

Isa rin sa mga rason kung bakit puspusan ang pagbili ng palay ng NFA ay upang magkaroon ng sapat na pondo ng bigas. Reserba o buffer stock umano ito kung sakaling may maganap na disaster o kakulangan sa bigas.

Malaking tulong din sa karamihan ang mga palay na idinideliver sa NFA na siyang pinagmumulan ng pondong bigas para sa feeding program ng DSWD na ipinatutupad ng nutrition councils sa mga munisipyo. (Roderick Bautista)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento