Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kauna-unahang Gender and Development (GAD) Summit sa Region 12, isasagawa sa USM, Kabacan, Cotabato


(USM, Kabacan,North Cotabato/August 2, 2012) ---Pormal ng magsisimula ngayong umaga ang dalawang araw na Gender and Development (GAD) Summit na gagawin sa Café Martina ng University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay GAD-CHED Region XII Focal Person Corazon Haguisan ang nasabing summit ay kauna-unahan sa Region 12, ito dahil ang ganitong gawain ay dating pang National level lamang.

Kabilang sa mga ahensiya ng pamahalaan na lalahok sa nasabing programa ay ang Philippine Commission on Women, Technical Education Skills and Development Authority o TESDA, Civil Service Commission, 35 mga private Colleges at limang State Universities and Colleges kasama na dito ang USM.

Pangungunahan ni USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije ang nasabing aktibidad kungsaan imbitado rin si Kabacan Mayor George Tan na dadalo sa nasabing summit.

Itatampok din sa nasabing gawain ang mga BEST TESDA GAD practices habang isasagawa naman sa USM Showcase Room ang Exhibit ng mga Gender and Development Practices sa Rehiyon Dose.

Para naman sa Best NGO GAD Practices pangungunahan naman ni Pres. Of WomenPOWER Mindanao Inc. at Lakas Women Group Mindanao, Inc. Maricar Matalam sa 2nd Day ng event. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento