(Kidapawan City/August
2, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP, sa pangunguna ng
kanilang hepe na si Supt. Renante Cabico, ang number one most wanted person sa
buong lungsod na kinilalang si Onofre Tejedor Nuenay, 43, na may kasong murder,
attempted murder, at frustrated murder na naganap, dalawang taon na ang
nakalilipas.
Ayon kay Cabico, halos
isang buwan din nila’ng inoperasyonan si Nuenay bago ito ganap na naaresto,
alas-230 ng hapon, kahapon, sa bahay nito sa Purok-Dos, Barangay Lanao ng
lungsod.
Matagal na raw wala sa
bahay niya ang suspect.
Pero may pagkakataon na
umuuwi ito sa kanilang pamamahay at nagtatagal ng dalawa hanggang tatlong araw.
Kaya kahapon, naispatan
na siya ng isang miyembro ng Kidapawan City PNP at inaresto noon din.
Si Nuenay ang
itinuturong suspect sa pagpatay noong May 6, 2010 sa isang Johnny Magbanua at
pagkakasugat ng isang Leo Laguindanum – kapwa mga supporter ng isang natalong
kandidato noong nakaraang eleksyon.
Samantala, naaresto din
ng PNP ang rubber tapper na si Richard Abolo, 24, ng Barangay Sibawan ng
lungsod.
Isinasangkot si Abolo sa
pagpatay noong 2010 sa isang Kier Adlawon.
Sa imbestigasyon, inamin
ni Abolo ang krimen.
Kapwa nasa kustodiya ng
Kidapawan City PNP ang dalawa. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento