Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kampanya kontra kriminalidad, puspusang ipinapatupad sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/August 2, 2012) ---Puspusan ngayon ang ipinapatupad ng mga otoridad sa bayan ng Kabacan hinggil sa kampanya ng mga ito kontra anumang kriminalidad.

Sinabi sa DXVL ngayong hapon ni Police Insp. Tirso Pascual, head ng Task Force Chrislam na simula kaninang umaga kasabay ng pagbubukas ng Market day sa bayan ay isinasagawa nila ang visibility at foot patrol sa mga matataong lugar sa bayan ng Kabacan.

Kabilang sa mga lugar na mahigpit na binabantayan ng mga ito ay ang Public Market, Kabacan Terminal Complex, National Highways at iba pang mga lugar kagaya ng USM Avenue kungsaan dagsaan ang mga tao.

Nanguna sa pagpapatupad ng nasabing kampanya ang mga elemento ng Kabacan PNP na pinamumunuan ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, Regional Mobile Public Safety Battalion, Cotabato Police Public Safety Company na pinamumunuan ni Supt. Alex Tagum kasama ang Cotabato Police Provincial Command na pinamumunuan ni Deputy for Operation Supt. Joseph Semillano.

Ang nasabing operation ay isinagawa ng mga otoridad kasunod na rin ng mga nangyayaring patayan sa bayan ng Kabacan kungsaan ang pinakahuling biktima dito ay isang cellphone repair man na si Joel Bita.

Si Bita batay sa data ng Kabacan PNP ay pang sampu na sa mga biktima ng shooting incident sa Kabacan nitong buwan lamang ng Hulyo.

Maliban dito, sa kabila ng mas pinaigting na operasyon ng mga otoridad kontra illegal na droga, talamak at marami pa rin sa mga illegal drug traders ang patuloy na nagtutulak ng nasabing bawal na gamot na mas kilala sa tawag na shabu.

Ang pinakahuli sa kanilang nahuli kaninang alas 12 ng tanghali ay isang Dario Mamalangkay Usop, nasa tamang edad at residente ng brgy. Magatos.

Si Usop ay nahuli ng mga pulisya sa Kabacan Public Market subalit kumaripas ng takbo kung kaya’t sa bahagi na ng Maria Clara ito nahuli.

Itinapon pa daw nito ang mga dala nitong illegal na droga bukod pa sa illegal possession of firearms na nakita mula sa suspek, sa mabahong kanal sa Maria Clara St., kung kaya’t isang sachet na lamang ng plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang shabu ang narekober mula sa kay Usop.

Samantala, wala umanong shooting incident na naireport kanina subali’t ang umalingawngaw na tunog ng baril sa loob ng Kabacan Public Market ay isang warning shot lamang ng pulisya habang hinahabaol si Usop na papatakas.

Si Usop ang sinasabing pang apa’t na pu mahigit sa mga tulak droga na nahuli ng mga otoridad simula ng ipinatupad nila ang nasabing Task force Chrislam.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang Follow-up operations para tuluyan ng malinis ang Kabacan sa sinasabing top illegal traders sa watch list ng PDEA.

Kaugnay nito, huli rin ng mga otoridad ang isang Soraida Layagan, nasa tamang edad, residente ng Maria Clara St., Poblacion, Kabacan sa pamamagitan ng buy bust operation alas 4:00 kahapon ng hapon.

Si Layagan ay nahuli ng mga pulisya sa mismong bahay nito kasama ang kapatid na di pa kinilala sa report.

Narekober mula sa suspek ang dalawang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Si Soraida ay asawa ng dating cook ng Kabacan PNP na pinaslang din nitong nakaraang buwan.

Malaki ang paniniwala ng Kabacan PNP na ang pagtumba kay Jun ay posibleng may kinalaman sa illegal na droga makaraang sinabihan na niya ang kanyang mga kamag-anak na maghinto na sa nasabing illegal na gawain, ayon sa kumakalat na report. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento