(Kabacan, North Cotabato/August 3, 2012) ---Kulungan
ang bagsak ng isang 32-anyos na ginang makaraang mahuli ito sa isinagawang buybust
operation ng mga otoridad sa mismong bahay nito sa Purok Masagana, Poblacion,
Kabacan alas 5:20 kahapon ng hapon.
Kinilala ni PCIns Jubernadine Panes, deputy
chief of Police ng Kabacan ang suspek na si Paida Manano, may asawa residente
ng nabanggit na lugar.
Inamin mismo ni Manano kay Panes na
nagtutulak siya ng illegal na droga na shabu.
Kasama sa mga hinuli kahapon si Jumbra Akmad
Uray na resident eng Kitulaan, Carmen.
Narekober sa nasabing operasyon ang isang
plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang nag lalaman ng shabu.
Nanguna sa mismong operasyon si Supt. Raul
Supiter, hepe ng Kabacan PNP at ilang mga element ng CPPSC.
Kagabi inihahanda na ang kasong kakaharapin
ng suspek habang posibleng ngayong araw isasampa sa Kidapawan ang nasabing kaso
na paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, nabatid mula kay Task Force
Chrislam Deputy for Operation and Intelligence P/Insp. Tirso Pascual na sa
ikalawang araw pa lamang ng buwan ng Agosto ay abot na sa 2 mga buybust successful
operation ang isinagawa nila na nagresulta sa pagkaka-aresto ng apat katao at
pagkakakumpiska ng 13 plastic heat sealed shabu. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento