Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao panibagong huli dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/July 30, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuling nagtutulak ng illegal na droga na mas kilala sa tawag na shabu sa Ma. Clara St., Poblacion, Kabacan alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Simeon Kido Zacaria Jr. at  Jayson Abed kapwa residente ng nabanggit na bayan.

Narekober mula sa mga suspek ang 11 piraso ng small heat sealed plastic sachet na nagkakahala ng abot sa P11,000.00, cash money na nagkakahalaga ng P11,500 kasama na ang marked money.

Nanguna sa pag-aresto sa mga suspek ang Task Force Chrislam na pinamumunuan ni Police Insp. Tirso Pascual, elemento ng Kabacan PNP na pinangungunahan ni Supt. Raul Supiter, Special Branch Team, Regional Intelligence Division PRO 12 P/CInsp Eldy Magbanua, P03 Roy Bandoy, Provinvial Intelligence Branch; P/Insp. Zean Paul Cubil ng Cotabato Police Public Safety Company kungsaan saksi din dito si Poblacion Kagawad Dominador “Mike” Remulta.

Ngayong araw, isasampa ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Kaugnay nito, sa kabila ng puspusan at seryosong pagpapatupad ng Task force Chrislam ng nasabing batas, tila di pa rin humihinto ang mga illegal drug traders sa lugar ng nasabing illegal na Gawain.

Kaya panawagan ngayon ni P/Insp Tirso Pascual sa mga drug courier at mga gumagamit ng illegal na droga partikular na ang shabu na di nila sila tatantanan hangga’t di lubusang malinis ang Kabacan sa talamak na bentahan ng shabu. 
  
Samanatala, arestado naman nitong Biyernes ng hapon ang isang 37-anyos na lalaki makaraang mahuli ng mga pulis sa Enanoria Residence na nasa Rizal St., National Highway Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nahuli na si Arnold Doctolero na residente ng Lanang, Davao city.
Narekober mula sa kustodiya ng suspek ang isang plastic heat sealed sachet, mga aluminum foil at dalawang lighter.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek si Supt. Raul supiter, hepe ng Kabacan PNP, PCI Jubernadine Panes, Deputy chief kungsaan saksi din sa pag-aresto si Poblacion Kagawad David Don Saure.

Una dito, nasamsam din kagabi ng mga pulisya ang abot sa P170,000 na halaga ng shabu bukod pa sa cash at marked money na nagkakahalaga ng P16,400.00 mula sa isang Talumbay Badal kasama ang tatlong mga lalaki at isang dalagita na menor de edad.

Naaresto ang suspek sa isinagawang buybust operation sa inuupahang bahay ng mga suspek sa likod ng Adelaid Oasis na nasa Abellera St., Poblacion ng bayang ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento