Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presidente ng Tricycle Association ng Kabacan, sugatan makaraang mahulugan ng sanga ng Kahoy


(Kabacan, North Cotabato/August 1, 2012) ---Sugatan ang isang tricycle driver habang yupi naman sasakyan nito makaraang mahulugan ng sanga ng Mahogany sa harap ng College of Education at ng USM gym ngayong umaga lamang.    
                                          
Kinilala ni Security Services Management Director Orlando Forro ang biktima na si Jeffrey Pedtamanan, nasa tamang edad, residente ng brgy Magatos at Presidente ng Kabacan Tricycle Drivers Operators Association o KOLTODA.  
                                                                                                  
Sa ulo natamaan ang biktima dahilan kung bakit mabilis itong isinugod sa USM hospital.  
     
Minamaneho ni Pedtamanan ang kulay asul nitong tricycle na may plate number 6492 MP at control number 1198.                   
                              
Maswerte namang di napuruhan ang apat na mga pasahero na sakay ng driver na di pa nakilala sa report.         
                                                           
Una na kasing iginigiit ng pamunuan ng University of Southern Mindanao o USM ang pruning at pagputol sa mga sanga ng kahoy upang maiwasan ang kahalintulad na insedente.  
                                                          
Kung matatandaan, isa ring kotse ng Prof ng USM ang nasira makaraang mahulugan din ng sanga ng kahoy.       
                                                  
Maliban dito, nakakaperwisyo din sa linya ng kuryente sa loob ng USM compound ang mga matatayog na sanga ng kahoy kung kaya’t  isinagawa ngayon ang total clearing sa mga nasasakupang linya ng kuryente at yung mga malapit sa gusali ng kolehiyo ng Pamantasan, ayon kay director Forro. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento