Ni: Liwaway Mandirigma
“Score
ka Sir?” sa pagsasalaysay ng aking kaibigan habang nginangatngat ko ang
nalalabing butil ng pakwan. “Bakit tita, mukha naba akong adik?” Sa
paghihimotok nya.
Habang
pinapakinggan ko ang ibat-ibang mensahe ng mga invited speakers di ko lubos
maisip na sa gitna ng mga nakaunipormeng mga pulis at sundalo nakakubli ang
inosenteng mundo ng mga kabataan na naghihintay ng lugaw at libreng tsinelas.
Masasayang tawanan at pag-aasam na matapos na sana ang litanya ng mga
nagsasalita sa launching ng Task Force Krislam upang matikman na ang mainit na
aroz caldo at maisuot na ang mga bagong tsinelas.
Habang pilit kinukunan ng lente ng aking hawak na kamera ang kabuoan ng programa para sa paglulunsad ng Task Force Krislam, mga ngiti at kislap sa mga mata ng mga bata sa Krislam ang naging interes ko. Mga ngiti at malulutong na tawanan na tila musika na pumukaw sa aking karinlan.
Habang pilit kinukunan ng lente ng aking hawak na kamera ang kabuoan ng programa para sa paglulunsad ng Task Force Krislam, mga ngiti at kislap sa mga mata ng mga bata sa Krislam ang naging interes ko. Mga ngiti at malulutong na tawanan na tila musika na pumukaw sa aking karinlan.
Ilang taon
na rin ang lumipas. Di ko mawari kong pano ko nalampasan ang karanasang yun. Karanasan na naging tulay
ko sa pagkamit ng tunay na
kalayaan.
Kalayaan na
makita ko ang aking kaibigang ngumingiti sa gitna ng mapait na hamon ng buhay.
Kumusta na kaya siya? Saan na kaya si “Angeline”
ngayon? Isang inosenteng bata na sa
murang edad nakaranas ng
pang-aapi at pang-aabuso sa isang tinatawag nilang “drug lord”.
Habang
papalapit ang paghuhukom lalong bumabagal. Tumatagal. Nakakabagot.
Nakakainis at nakakatakot ang pag-aantay. Sa aking pag-aabang sa kaso minsan naisip ko, dito sa bayan natin
pagmapera ka, nasa panig mo ang batas.
Ilang gabi ba kaming nagkakasama ni Angeline?
Lumalabas ng bahay na may takip ang ulo at mukha. Nakikibaka sa daanan upang kunin ang simpatiya at suporta ng
mga tao. Gumulong ang kasong
rape na isinampa ng korte sa ‘drug lord’ o mas
mainam gamitin ang salitang rapist. Sa wakas lumabas din ang hatol kasabay nito ang warrant of arrest.
Napukaw
lamang ang aking pagmumuni-muni ng bigla nalang nagsigawan ang mga bata.
Nagsisiksikan at nag-uunahan sa linya para sa isang baso ng mainit na
aroz-caldo.
Sana
araw-araw launching nalang. Sana parating may mainit na aroz caldo at bagong
tsinelas upang sa araw-araw malulutong na tawanan ng mga paslit ang maririnig
ko sa Krislam at hindi puro “shabu” at patayan.
Ilan
na nga ba ang populasyon ng mga batang paslit sa Krislam? Dalawang libo? Tatlo?
Apat?. Marami nga. Marami na nga na ang kinabukasan ay nasa bingit ng pagkasira.
Ayokong isipin na sa darating na panahon, sa Krislam puro addict ng shabu ang
mga future liders. Na ang pagkitil ng buhay ay isang normal na lamang na gawain.
At ang pinakaayokong isipin na sa edad na lima o anim ay addict na sa lugar na
kung tawagin nila ay Krislam.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento