Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DepED North Cotabato, iginiit na voluntary basis ang mga singilin sa mga pampublikong paaralan

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Inireklamo ng isang magulang ang mataas na bayarin sa isang Classroom ng Kabacan Pilot Central Elementary School ang kanilang Homeroom PTA Project na umaabot ng P500.00 bukod pa sa Monthly due na higit sa P100.00.

Aniya masyado na umanong mahal ang naturang halaga para sa isang estudyante ng grade.
Iginiit nitong, kaya nga niya pinaaral sa pampublikong eskwelahan ang anak dahil sa mura at libre ang matrikula dito.

Mahigit sa 100 mga motorsiklo, huli sa isinagawang lambat bitag ng Kabacan PNP

By: Rhoderick Beñez


Photo Courtesy by: Kabacan PNP
(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Nasa 121 na mga motorsiklo ang nahuli at ilan sa mga ito ay naka-impound pa rin sa Kabacan PNP matapos ang isinagawang joint operation ng PNP na Oplan Lambat Bitag.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP na ang operasyon ay isinagawa nila sa mga pangunahing kalye at mga lagusan ng bayan.

Congressman Pingping Tejada inilahad ang iba’t ibang programa para sa mga mamamayan ng North Cotabato

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Inilahad ni Congressman Pingping Tejada, representative ng ikatlong distrito ng North Cotabato ang mga programa at proyekto para sa mga mamamayan ng North Cotabato.

Sa exclusibong panayam ng DXVL news sinabi ng mambabatas na may mga panukala   itong naipasa sa kongreso  tulad ng programa sa mga senior citizen, iskolar ng bayan at iba pang programa na pinoproseso sa kongreso para sa mga taga North Cotabato.

Tulong pangkabuhayan tinanggap ng 23 asosasyon sa Distrito Uno ng North Cotabato

By: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Natanggap na kamakailan ng 23 Self- Employment Assistance for Kaunlaran o SEA- K Associations ang tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno.

Nagmula ang nasabing livelihood assistance sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office XII sa Koronadal City sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o SLP.

22-anyos na estudyante ng USM, nabalian matapos maglaro ng Basketball

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 6, 2015) ---Labis ang pasasalamat ng isang pamilya ng isang estudyante ng USM na libreng inihatid ng Kabacan LGU Ambulance sa South Cotabato Provincial Hospital sa Bayan ng Marbel sa nasabing probinsiya kahapon.

Ayon kay Mindanao Youth Center Boarding House Executive Pastor Elmer Antipolo. 

Ito pagkatapos na mabalian ng boto ang isang estudyante na kinilalang si Matin Kuyan, 22 anyos, USM Bachelor of Science in Agriculture Major in Agronomy Student, at residente ng T’boli South Coatabato dahil sa paglalaro ng basketball sa loob MYC Boarding House sa Sunset Drive, Poblacion sa bayan ng Kabacan alas kwatro ng hapun kamakalawa.

Sekyu tumba sa mga kawatan

(North Cotabato/ March 5, 2015) ---- Maagang sinalubong ni kamatayan ang 56-anyos na guwardiya matapos pagtulungang hampasin ng mga kawatan na nanloob sa binabantayang bodega ng mga gloves ng golf na pag-aari ng Koreano sa Purok Bonifacio, Barangay Concepcion sa Koronadal City kahapon ng mada­ling araw. 

Kinilala ang napatay na si Gene “Jun” Calderon ng Super Village sa Barangay Zone 3.

2 sundalo dinedo sa palengke

(Maguindanao/ March 5, 2015) ---Dalawang sundalo ang napatay matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang tinedyer sa bisinidad ng pamilihang bayan sa Buldon, Maguindanao noong Lunes ng gabi. 

Kinilala ni P/Senior Inspector Acmad Sarico, hepe ng Buldon PNP ang mga biktima na napuruhan sa ulo ay sina Corporal Nerger Pinero ng Libungan, North Cotabato at Private First Class Jamanel Bulaybolay ng Kapatagan, Lanao del Norte at kapwa miyembro ng Charlie Company ng 37th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Cong. Tejada, pabor sa pag-amyenda ng BBL

(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Pabor si North Cotabato 3rd District Congressman Ping-ping Tejada na amyemdahan ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ito ang sinabi ng opisyal sa eksklusibong panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, bilang isang institusyon, ang kongreso ay inaasahang magpapasa ng batas na tumatalima sa Konstitusyon.

Mahigit sa 9 na libung Pamilya sa Maguindanao, nasa evacuation center pa rin dahil sa nagpapatuloy na focused military operation

(Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Umaabot na sa mahigit sa Siyam na libung pamilya ang mga nasa evacuation center pa rin dahil sa nagpapatuloy na focused military operation sa ilang bahagi ng Maguindanao.

Ito ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army Public  Affairs Chief Captain Jo-Ann Petinglay sa panayam ng DXVL News.

Information Drive and Seminar on Improvised Explosive Device (IED) para sa USM Students and Staff, gagawin ngayong araw

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Nakatakdang isagawa ang Information Drive and Seminar on Improvised Explosive Device (IED) para sa mga estudyante at mga empleyado ng University of Southern Mindanao sa USM Gymnassium ngayong araw.

Sa kalatas na ipinarating ni Office of the Student Affairs Director Dr. Nicolas Turnos, magsisimula ang nasabing aktibidad sa morning session, alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali na dadaluhan ng lahat ng first year at mga empleyado na bakante sa umaga ngunit magkakaroon naman ng klase ang mga 2nd year hanggang 6th year students.

USM ROTC UNIT, kampanteng makukuha ang kampeonato sa Regional Annual Administrative Tactical Inspection

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 5, 2015) ---Kampante ngayon ang pamunuan ng USM ROTC Unit na maibabalik ang korona ng kampeonato makaraan ang mahigit isang dekada sa Regional Annual Administrative Tactical Inspection matapos silang makakuha ng pinakamataas na puntos sa ginawang Tactical Inspection sa USM Quadrangle kahapon.

Ito ayon kay USM ROTC Unit Taining NCO Staff Sergeant Joevanie Taño sa ginawang panayam ng DXVL News, nakakuha sila 97.831% na total Score Score na siyang nangunguna ngayon.

50, 000 slots ng scholarship handog ng Committee on Agriculture and Food at TESDA sa mga anak ng magsasaka sa buong bansa

by: Brex Bryan Nicolas

(Tupi, South Cotabato/ March 4, 2015) --- Maari nang makapag aral ang mga mahihirap na anak ng magsasaka na gustong kumuha ng kursong agriculture sa bansa sa ilalalim ng scholarship ng TESDA at Committee on Agriculture and Food sa pamumuno ni Senator Cynthia Villar, ang chairman ng nabanggit na committee sa Senado.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isang ambush interview sa kasagsagan ng programa hinggil sa isinagawang turn over ceremony ng farm mechanization na isinagawa sa Tupi Seed Farm, Bololmala sa bayan ng Tupi, South Cotabato kahapon.

Sinabi ng opisyal na para maka-avail ng nasabing programa sumulat lang umano sa kanyang opisina o makipag ugnayan sa Department of Agriculture o sa mga gobernador ng bawat probinsya para maka avail ng nabanggit na scholarship.

Sigla ng pagsasaka, muling nanumbalik dahil sa programang farm mechanization ng Department of Agriculture – DA Sec. Alcala

By: Brex Bryan Nicolas

(Tupi, South Cotabato/ March 4, 2015) ---Tila nanunumbalik na ang interes ng mamamayang Pilipino sa pagsasaka dahil sa programang farm mechanization ng Department of Agriculture (DA).

Ito ang sinabi ni DA Sec. Proceso Alacala sa harap ng libu-libong mga magsasaka, mga opisyal at ng mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka sa isinagawang turn over ceremony ng farm mechanization na isinagawa sa Tupi Seed Farm, Bololmala sa bayan ng Tupi, South Cotabato kahapon.

Bayan ng Kabacan, muling binulabog ng Bomb Scare

By: Mark Anthony Pispis

Photo by: Ferdinand Cabrera
(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2015) ---Pansamantalang nagdulot sa problema sa usad ng trapiko ang nangyaring BombScare sa National Highway sa bahagi ng Brgy. Kayaga, Kabacan Cotabato dakong alas 11:00 kahapon ng umaga.

Ayon kay PI Arvin Jhon Kambang ng Kabacan PNP, isang BPAT member ang nag report sa kanilang himpilan na meroon itong nakitang pinaghihinalaang IED sa nasabing lugar.

Sabungan sa Matalam, North Cotabato; nasunog!

By: Christine Limos

Nasunog ang isang sabungan sa Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Fire Inspector Narleap Nabor ng Matalam BFP na posibleng naiwan na cigarette but ng mga sumabong ang sanhi ng sunog.

Ayon sa kanilang imbestigasyon ay nasa non index fire level lamang ang nangyaring sunog dahil hindi umabot sa limang libo ang danyos nito.

Kampo ng BIFF nakubkob ng militar ng 6th Infantry Division sa Maguindanao

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2015) ---Nakubkob ng militar ng 6th Infantry Division ang pagawaan ng Improvised Explosive Device o IED ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Brgy. Dasikil Mamasapano, Maguindanao kamakalawa ng tanghali. 

Ito ang inihayag ni 6th ID spokesperson Captain Joanne Petinglay sa panayam ng DXVL news.

Aniya, may lawak na tatlong hektarya ang kampo na pinamumunuan ni kumander Ustadz Mohammad Ali Tambako. 

Pagkaubos ng mga forms sa Kabacan Municipal Civil Registrar ipinaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2015) ---Ipinaliwanag ni Kabacan Municipal Civil Registrar head Gandy Mamaluba ang pagkaubos ng mga forms sa municipal civil registrar. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Mamaluba na for inspection na umano ang mga forms na ipapadala. 

Dagdag pa niya na ginagawan nila ng paraan ang naturang problema. 

Trysikad Drayber, utas sa onsehan sa droga



By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 2, 2015) ---Pinaniniwalaang onsehan sa droga kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang trysikel drayber sa Sitio Lote, Brgy. Kayaga ng bayan ng Kabacan, North Cotabato dakong alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Junarie Buisan Kamsa, 32-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Spokesperson ng BIFF Abu Misri Mama hinamon si AFP Chief Gen. Gregorio Catapang Jr. na umanib sa kanilang kilusan



By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 2, 2015) ---Hinamon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF spokesperson Abu Misri Mama si AFP Chief General Gregorio Pio Catapang Jr. na kung tunay umano itong matapang ay sumama o umanib sa grupo ng BIFF.

Kung hindi umano ito umanib ay duwag daw umano ito. Ito ang mariing pronouncement na inihayag ni Abu Misri Mama sa panayam ng DXVL news.

Opensiba ng Militar laban sa BIFF, patuloy pa rin



By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 2, 2015) ---Nagsagawa ng all out offensive operation ang tropa ng militar ng 6th Infantry Division laban sa grupo ng Bangsamoro Islamic freedom fighters o BIFF noong Biyernes.

Sa panayam ng DXVL news kay Cpt. Joanne Petinglay spokesperson ng 6th Infantry Division inihayag nitong may namataan umanong mga armadong grupo ang mga residente kung kayat nagsilikas ang mga ito sa boundary ng Datu Unsay Maguindanao at Datu Saudi Ampatuan na nagdulot ng trapiko at pansamantalang pagsara ng Cotabato-Gensan highway.

All-out offensive, inilunsad ng Militar laban sa BIFF

(North Cotabato/ February 28, 2015) ---Naglunsad na ng all-out offensive operation ang Armed Forces of the Philippines laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay AFP Chief Gen. Gregorio Pio Catapang, nais nilang bigyang proteksyon ang komunidad sa Central Mindanao laban sa pag-atake ng BIFF sa ilang bahagi ng Maguindanao at North Cotabato.

Opisyal ng ARMM, binabulagta!

(North Cotabato/ February 27, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang mataas na opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang ito'y barilin sa lungsod ng Cotabato.

Kinilala ni Cotabato City Police Director S/Supt Rolen Balquin na si Norodin Manalao-Executive Director ng Regional Reconcialation and Unification Council (RRUC-ARMM).

Batay sa ulat, nilapitan ng nag-iisang suspek ang biktima habang sakay ito ng kanyang Pajero at naghihintay sa kanyang asawa sa Mega market.

Tricycle na ninakaw sa Bayan ng Kabacan, narekober sa Columbio, Sultan Kukarat

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2015) ---Narekober ang ninakaw na trycicle sa bayan ng Kabacan at kalaboso rin ang responsable sa Bayan ng Columbio, Sultan Kudarat kahapon.

Ayon kay PCI Ernor Melgarejo sa Panayam ng DXVL News, kinialala nito ang suspek na isang Kamaru Pututan na residente ng Datu Paglas, lalawigan ng Maguindanao.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dinala umano ng suspek ang sasakyan sa bahay ng asawa nito sa nasabing bayan.

Pagpapaaga ng enrolment sa USM, ipinaliwanag ni USM President Garcia; Graduation sa pamantasan mauurong sa April 11, 2015

(USM, Kabacan, Cotabato/ February 27, 2015) ---Ipinaliwanag ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ang pagpapaaga ng enrollment sa susunod School Year 2015-2016.

Ayon kay USM President Dr. Francisco Gil N. Garcia sa panayam ng DXVL News ito ay para narin sa kabutihan ng mga estudyante lalong lalo na sa mga incoming first year.

Aniya sa mga nakaraang taon ay umaabot umano hanggang buwan ng Mayo ang enrollment sa pamantasan na kung saan ay umaabot na hanggang buwan ng Hunyo ang paghahanap ng mga guro para sa mga klase ng mag-aaral na nagiging dahilan ng pagkaantala ng ibang klase sapagkat wala pang nahahanap na guro na magtuturo at ang mga estudyante din ang nalulugi sa ganitong sistema.

Malaki din umano ang tulong ng pagpapaaga ng enrollment upang malaman ng mas maaga ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na mag e-enroll sa susunod na taon at mas mapagtuunan nang pansin ang mga pangangailangan ng mga ito.

Turmeric Rhizomes o luyang dilaw na matatagpuan sa USMARC, USM mabisang gamot sa iba’t ibang sa sakit

by: Christine Limos

(Kabacan, North cotabato/ February 27, 2015) ---Matatagpuan sa University of Southern Mindanao Agricultural Research Center sa USM Main Campus, Kabacan, Cotabato ang ilang taniman ng Turmeric Rhizomes o luyang dilaw na mabisang gamot sa ibat ibang sakit.
 
Sa panayam ng DXVL News inihayag ni Dr. Naomi Tangonan, isang scientist, Plant Pathologist at dating University Prof. ng Pamantasan na nakapag-ani na sila ng luyang dilaw.

Ang luyang dilaw na may scientific name na Curcuma longa Linn. ay may katangi-tangi amoy at ginagamit bilang pampasarap ng pagkain.

KULTODA, nagpulong!

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2015) ---Paglagay ng terminal at pagmamaneho ng maayos.

Ito ang ilan lamang sa binigyang diin ni USM President Francisco Gil Garcia sa isinagawang assembly meeting ng mga tricycle drivers na inorganisa mismo ng Kabacan Unity Line Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA sa USM.

Ayon kay Garcia ilang mga estudyante, USM Staff at pasahero na rin ang nag paabot ng kanilang reklamo hinggil sa ilang mga tricycle operators na pumapasok sa unibersidad.