Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan, muling binulabog ng Bomb Scare

By: Mark Anthony Pispis

Photo by: Ferdinand Cabrera
(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2015) ---Pansamantalang nagdulot sa problema sa usad ng trapiko ang nangyaring BombScare sa National Highway sa bahagi ng Brgy. Kayaga, Kabacan Cotabato dakong alas 11:00 kahapon ng umaga.

Ayon kay PI Arvin Jhon Kambang ng Kabacan PNP, isang BPAT member ang nag report sa kanilang himpilan na meroon itong nakitang pinaghihinalaang IED sa nasabing lugar.


Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang di pa nakikilalang salarin na sakay ng isang motorsiklo ang umanoy naglagay ng isang kulay dilaw na bag sa puno ang ng papaya at agad na lamang itong iniwan at humarorot papuntang Purok Krislam, Brgy. Pob. Sa nasabing bayan.

Agad rumispende sa lugar ang kapulisan kasama ang ilang element ng 7IB at agad nagpatawag ng EOD Team at kinordon ang lugar.

Nadisrupt ang pinaghihinalaang IED ala una ng hapon at napag alamang negatibo ito sa anumang uri ng pampasabog.

Napagalamang ang laman ng nasabing bag ay naglalaman ng isang garapon na binalot ng karton na may lamang mga pako.

Laking pasalamat naman ng Kapulisan sa pagiging vigilante ng mga mamamayan at agad inireport ang nasabing kahinahinalang bagay.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng Kabacan PNP kung sino ang may gawa ng nasabing pananakot.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento