By:
Christine Limos
(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015)
---Inilahad ni Congressman Pingping Tejada, representative ng ikatlong distrito
ng North Cotabato ang mga programa at proyekto para sa mga mamamayan ng North
Cotabato.
Sa exclusibong panayam ng DXVL news sinabi
ng mambabatas na may mga panukala itong naipasa sa kongreso tulad ng programa sa mga senior citizen,
iskolar ng bayan at iba pang programa na pinoproseso sa kongreso para sa mga
taga North Cotabato.
Dagdag pa ng mambabatas na para sa mga
estudyante na gustong mag avail ng scholarship na binibigay ng Commission on
Higher Education o CHED pangunahing requirement na maipasa nila ang entrance
exam sa mga state universities at colleges.
Samantala, inihayag din ni Congressman
Pingping Tejada na ang matagal na karanasan niya bilang board member ay naka
tulong upang mas madali ang pagtrabaho ng batas sa kongreso at maging
epektibong mambabatas.
Siniguro din niya sa mga mamamayan na siya
ay nagtatarabaho para sa kabutihan ng mga mamamayan ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento