Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

17-anyos, sugatan sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 8, 2014) ---Sugatan ang isang Delvin Jerodias Garcia matapos na  pagbabarilin sa Molave St., Purok 2, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 8:50 kagabi.

Ayon sa report ng Carmen PNP kasama umano ng biktima si Jenny Funtanilla ng mangyari ang insedente.

USM-CBDEM, ni-ransak; mga computers at mahigit P50K cash, nalimas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2014) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga salarin ang College of Business and Development Economic Management o CBDEM ng University of Southern Mindanao.

Ayon kay CBDEM Dean Dr. Lope Dapon posibleng nangyari umano ang pag-ransak sa kolehiyo kahapon ng madaling araw.

4-anyos na bata, nalapnos matapos na mag-dive sa kumukulong kawali sa Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Nagtamo ng ng 1st hanggang 2nd degree burn ang isang apat na taong gulang na bata matapos na aksidenteng mahulog sa kumukulong malaking kawali sa bayan ng Mlang, North Cotabato, ayon sa report ng Municipal Health Officer ng Mlang kahapon.

Kinilala ni Municipal Health Officer Dr. Glicerio Sotea ang biktima na si Jovy Bautista, Jr.,  na nalapnos sa mukha, kamay at paa.

Mga Puroks sa Poblacion, Kabacan, mabibigyan ng P5K na barangay aide

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Mabiyayaan ng P5,000 na barangay aide ang 27 mga purok ng Poblacion, Kabacan.

Ito ayon kay Poblacion Kapitan Mike Remulta para gamitin bilang aide ng mga purok president sa pagpapaganda ng kanilang nasasakupang purok.

Budol-Dugol Gang, naglipana sa Kabacan, negosyante panibagong biktima; P100K natangay

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Abot sa mahigit P100,000 ang natangay ng mga budol-budol gang sa isang kahera ng hardware matapos na mabiktima ang mga ito sa bahagi ng Rizal St. na nasa National Highway, Kabacan, Cotabato alas 10:30 kanina.

Ayon sa Kabacan PNP inutusan umano ng may-ari ng hardware na di binanggit ang pangalan sa report ang kanyang kahera upang mag deposito ng pera sa bangko nang biglang may lumapit at nanghingi ng tulong.

1 sugatan sa vehicular accident sa highway ng Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Sa ospital ang bagsak ng isang 43-anyos na mister matapos na mabundol ng isang motorsiklo sa highway ng Antipas-Arakan, partikular sa harap ng Kamayan restaurant sa Poblacion ng Antipas, North Cotabato alas 4:45 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ng Antipas PNP ang biktima na si Henry Valenzuela residente ng nabanggit na lugar.

Iba’t-ibang klase ng baril at pampasabog, narekober sa dating sundalo sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Arestado ang dating kasapi ng sundalo makaraang mahulihan ng pagdadala ng illegal na baril, bala at mga pampasabog sa Poblacion, Arakan, North Cotabato alas 4:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang suspek na si Franny Sasi alias Nonoy, 34-anyos, kasado at residente ng Sitio Kanit, Brgy. Poblacion, Arakan.

Presyo ng bigas, tumaas sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Dismayado ngayon ang ilang mga Kabakeños matapos na tumaas ang presyo ng Bigas sa Kabacan, North Cotabato.

Batay sa pinakahuling monitoring ng DXVL Price alert mula sa Pamilihang bayan ng Kabacan.

Notoryos na Kawatan, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Arestado ng Kabacan PNP ang pinaniniwalaang notoryos na magnanakaw sa may USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:40 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP habang nasa isang social gathering umano ang biktima na kinilalang si Raymond Escobar, 31-anyos, resident eng Bonifacio St., ng bayang ito ay ki-corner ito ng isang di pa nakilalang suspek at binuksan ang dala nitong sling bag.

Ilang mga pamilya sa isang Barangay sa Kidapawan City, hinarras, apektadong pamilya nagsilikas dahil sa tensiyon

(Kidapawan City/ January 6, 2014) ---Tensyunado ngayon ang Sitio Nazareth, sa isang barangay sa Kidapawan City matapos na sinalakay ang ilang mga ilonggo settlers doon ng pangkat ni Kumander Satar kamakalawa.

Sa report ng Kidapawan City PNP kahapon, ilan na sa mga pamilya doon ang nagsilikas matapos na maipit sa sagupaan ng mga grupo ng ilonggo at ng tropa ni Kumander Satar.

Barangay Kagawad, patay sa pamamaril sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Patay ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa Provincial road sa brgy. Ladtingan, Pikit, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni PCInps. Joeffrey Todeno, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Teng Dimacali, konsehal ng brgy. Tapodoc, Aleosan, North Cotabato at residente ng nasabing lugar.

Kotse nagliyab sa Kabacan, nagdulot ng mabigat na usad sa daloy ng trapiko

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Nagliyab ang isang kotse habang tinatahak nito ang National Highway galing ng bayan ng Kabacan papunta ng bayan ng Matalam.

Nangyari ang insedente sa hangganan ng Brgy. Osias at Katidtuan partikular sa purok 5, pasado alas 5:00 kahapon ng hapon.

Kauna-unahang kumuha ng business permits, bibigyan ng papremyo ni Kabacan Mayor Guzman, One Stop Shop Business Permits Licensing, sinimulan na

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Mabibigyan ng espesyal na premyo ang may-ari ng Welding and Repair Shop, Med/Gas/LPG Pryce Supplies na si Mrs. Evangeline Caldito, na siyang pinakauna-unahang kumuha ng Business Permit para sa taong 2014.

Ang inisyatibong ito ay binibigyan diin ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. upang mahikayat  ang lahat ng businessmen sa Kabacan upang maagang kumuha ng kanilang business permits upang maiwasan ang penalties.

Comprehensive drainage Plan ng Kabacan, isasapinal na ngayong taon

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Sa pagsisimula ng taong 2014, natapos narin ng Technical Working Group for the Municipal Drainage and Flood Control ang mahalagang parte ng Municipal Comprehensive Drainage Plan ng Kabacan na sinimulang binuo noong September 10, 2013.

Ayon kay Municipal Information Officer Sarah Jane Geurrero, ng LGU Kabacan, Isang survey team, na binubuo ng mga miyembro ng Provincial Engineering Office at ng Local Government Unit ng Kabacan, ang inorganisa ng nasabing Technical Working Group upang gawin ang Topographic Survey.

Libu-libong mag-aaral balik eskwela na ngayong araw, DepEd Cotabato, nakahanda na!

(Amas, Kidapawan City/ January 6, 2014) ---Ngayong araw ang simula ng klase sa lahat ng antas ng mga mag-aaral ng Department of Education kasama na rin dito ang sa kolehiyo.

Ayon kay Deped Cotabato Division Supt. Omar Obas nakahanda na ang kanilang pamunuan sa pagbabalik eskwela ng libu-libong mag-aaral ng Cotabato Division.