(Kabacan,
North Cotabato/ January 6, 2014) ---Sa pagsisimula ng taong 2014, natapos narin
ng Technical Working Group for the Municipal Drainage and Flood Control ang
mahalagang parte ng Municipal Comprehensive Drainage Plan ng Kabacan na
sinimulang binuo noong September 10, 2013.
Ayon
kay Municipal Information Officer Sarah Jane Geurrero, ng LGU Kabacan, Isang
survey team, na binubuo ng mga miyembro ng Provincial Engineering Office at ng
Local Government Unit ng Kabacan, ang inorganisa ng nasabing Technical Working
Group upang gawin ang Topographic Survey.
Sa
loob ng dalawang buwan, nakabuo na ng isang Topographic Map ng Barangay
Poblacion ang survey team.
Matatandaan
na sa mga nakaraang taon, isa sa mga problemang kinakaharap ng Poblacion ay ang
pagbaha. Ang nasabing topographic map ay magiging basehan ng Lokal na
pamahalaan ng Kabacan upang bigyang solusyon ang pagbaha sa nasabing lugar.
Dagdag
pa rito, ang nasabing mapa ay nagbibigay at ipinapakita ang biswal na sitwasyon
ng Poblacion lalong lalo na ang mga posibleng daluyan at lagusan ng tubig upang
maiwas ang lugar sa pagbaha.
Ang
nasabing Topograhic Map ay maipriprinsenta sa isang exit conference na
gaganapin sa LGU Kabacan ngayong linggo. Ang TWG ay inorganisa upang bigyang
teknikal na assistance ang Provincial Engineering Office at si Mayor Herlo P.
Guzman, Jr. para sa paggawa ng plano para sa Drainage System ng Kabacan. Rhoderick Beñez with report from Information
Officer Sarah Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento