(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Mabiyayaan
ng P5,000 na barangay aide ang 27 mga purok ng Poblacion, Kabacan.
Ito ayon kay Poblacion Kapitan Mike Remulta para gamitin
bilang aide ng mga purok president sa pagpapaganda ng kanilang nasasakupang
purok.
Aniya sa huling quarter ng taon ay mabibigyan din ng
dagdag na cash assistance ang purok na mananalo sa tinaguriang pa-contest.
Layon nito na palakasin ang partisipasyon ng mamamayan
sa pagpapaigting ng kalinisan at kaayusan sa Poblacion Kabacan.
Bukod dito, paiigtingin din nila ang
kampanya laban sa kriminalidad sa Poblacion, Kabacan habang binabalangkas na
ngayon ang guarding system ng Barangay Poblacion.
Ang nasabing sistema ay paglalagay ng mga
barangay tanod na magroronda sa bawat kalye ng Poblacion, tuwing gabi.
Samantala, sinabi ni Kapitan Remulta na nangangailangan
ngayon ang Barangay Poblacion ng Midwife, sa mga gustong mag-apply at ang
kwalipikasyon magsangguni lamang sa Barangay Poblacion. Rhoderick Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento