(Arakan, North Cotabato/ January 7, 2014)
---Arestado ang dating kasapi ng sundalo makaraang mahulihan ng pagdadala ng
illegal na baril, bala at mga pampasabog sa Poblacion, Arakan, North Cotabato
alas 4:00 ng hapon kahapon.
Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan
PNP ang suspek na si Franny Sasi alias Nonoy, 34-anyos, kasado at residente ng
Sitio Kanit, Brgy. Poblacion, Arakan.
Ayon sa pulisya nahuli ang suspek matapos na
ireport ito na may tinutukan siya sa Brgy. Malibatuan.
Nahuli na ito sa isinagawang highway check
sa Poblacion ng papunta ang biktima.
Narekober mula kay Sasi ang iba’t-ibang
klase ng baril at pampasabog kasama na dito ang isang unit portolite, caliber
22, isang granada at iba’t-ibang klase ng bala ng baril.
Maliban dito, nakuha din sa kanya ang isang
unit ng XYM motorcycle na may red plate number PN 3895 LB.
Agad namang dinala sa himpilan ng Arakan PNP
ang mga nakumpiska buhat sa suspek.
Sa ngayon kalaboso ang susepk sa Arakan lock
up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento