Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libong mag-aaral balik eskwela na ngayong araw, DepEd Cotabato, nakahanda na!

(Amas, Kidapawan City/ January 6, 2014) ---Ngayong araw ang simula ng klase sa lahat ng antas ng mga mag-aaral ng Department of Education kasama na rin dito ang sa kolehiyo.

Ayon kay Deped Cotabato Division Supt. Omar Obas nakahanda na ang kanilang pamunuan sa pagbabalik eskwela ng libu-libong mag-aaral ng Cotabato Division.

Kaugnay nito, ngayong taon din isasagawa ang balsahan sa hanay ng mga District Head Supervisor sa buong Division.

Katunayan aniya, ay inihahanda na nito ang mga bagong assignments ng mga District Supervisor.                              
            
Maliban dito, sinabi ni Obas na may bagong distrito na rin silang binuo at ipatupad ngayong taon sa bayan ng Tulunan at tatawaging “Tulunan East District”.   
  

Samantala, tiniyak din ng opisyal na walang mawawalan at matatanggal sa trabaho sa DepEd Cotabato Division matapos na ipatupad ang Rationalization System sa kanilang ahensiya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento