Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kotse nagliyab sa Kabacan, nagdulot ng mabigat na usad sa daloy ng trapiko

(Kabacan, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Nagliyab ang isang kotse habang tinatahak nito ang National Highway galing ng bayan ng Kabacan papunta ng bayan ng Matalam.

Nangyari ang insedente sa hangganan ng Brgy. Osias at Katidtuan partikular sa purok 5, pasado alas 5:00 kahapon ng hapon.


Sa report ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer David Don Saure, nag over heat umano ang nasabing sasakyan na may plate number LGC 460 kaya nag-liyab ang sasakyan.

Mabilis namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy kaya naapula ang nasabing sunog.

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko ang nasabing sunog.

Ang sasakyan ay pag-mamay-ari ni Atty. Leopoldo Torrejos residente ng bayan ng Matalam habang nakaligtas din ang isa pang kasama nito na di kinilala sa report.

Wala namang may napaulat na nasaktan sa nasabing insedente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento