(Mlang, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Nagtamo
ng ng 1st hanggang 2nd degree burn ang isang apat na taong gulang na
bata matapos na aksidenteng mahulog sa kumukulong malaking kawali sa bayan ng
Mlang, North Cotabato, ayon sa report ng Municipal Health Officer ng Mlang
kahapon.
Kinilala ni Municipal Health Officer Dr.
Glicerio Sotea ang biktima na si Jovy Bautista, Jr., na nalapnos sa mukha, kamay at paa.
Ayon sa report, gusto sana ng bata na maligo
kaya agad itong nag dive sa tinaguriang “kawa” sa local term, pero ang di nito
alam ay mainit at kumukulo pala ang nasabing malaking kawali.
Ang naturang kawali ay pinakulo para sa
kakataying pato pero nilusong ng bata para maligo.
Mabilis namang isinugod sa pinakamalapit na
bahay pagamutan ang biktima para mabigyan ng medical na atensiyon. Rhoderick
Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento