(Kabacan,
North Cotabato/ January 6, 2014) ---Mabibigyan ng espesyal na premyo ang
may-ari ng Welding and Repair Shop, Med/Gas/LPG Pryce Supplies na si Mrs.
Evangeline Caldito, na siyang pinakauna-unahang kumuha ng Business Permit para
sa taong 2014.
Ang
inisyatibong ito ay binibigyan diin ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr. upang
mahikayat ang lahat ng businessmen sa
Kabacan upang maagang kumuha ng kanilang business permits upang maiwasan ang
penalties.
Ayon
pa sa alkalde, bukas ang kanyang opisina para sa lahat gustong mag avail ng
programang ito, lunes hanggang biyernes, alas otso ng umaga hanggang ala-singko
ng hapon.
Matatndaan
na sinimulan na ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan ang Business One-Stop-Shop
(BOSS) para sa lahat ng mga business establishments dito sa bayan ng Kabacan
para sa taong 2014.
Ang
Business One-stop-Shop o ang tinatawag nilang “streamline process” ay
naglalayong mapagsilbihan at mabigyan ng mabilis na serbisyo ang lahat ng
businessmen dito sa Kabacan para sa pagkuha ng kanilang Business Permits.
Ayon
kay Business and Permits Licensing Officer Cecilia Facurib sa LGU Kabacan,
hindi tatagal ng isang oras ang pagkuha ng Business Permits kung kompleto ang
lahat ng kinakailangang dokumento.
Dagdag
pa nito, sa “One-stop-Shop” na ito, ang lahat ng ahensiya na kinakailangan sa
licensing ay nasa iisang lugar lamang kaya naman masisigurong magiging mabilis
ang pagkuha ng permits.
Kunektado
ka sa mga balita mula sa Kabacan LGU kasama si Municipal Information Officer
Sarah Jane Guerrero,
0 comments:
Mag-post ng isang Komento