(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013)
---Abot sa mahigit P100,000 ang natangay ng mga budol-budol gang sa isang
kahera ng hardware matapos na mabiktima ang mga ito sa bahagi ng Rizal St. na
nasa National Highway, Kabacan, Cotabato alas 10:30 kanina.
Ayon sa Kabacan PNP inutusan umano ng
may-ari ng hardware na di binanggit ang pangalan sa report ang kanyang kahera
upang mag deposito ng pera sa bangko nang biglang may lumapit at nanghingi ng
tulong.
Dahil naawa ang biktima kanya umano itong
nilapitan.
Pagkatapos lumapit ang isang lalaki na kasabwat
umano ng babae para alukin sila ng tulong at pasakayin sila sa sasakyan.
Doon na at natangay mula sa kahera ang dala
nitong limpak-limpak na cash matapos ibigay sa mga budol-budol gang sa hindi
maipaliwanag na dahilan.
Aniya, parang hi-nypnotized siya kaya
natangay ang pera nito.
Wala na itong nagawa kundi magsumbong sa
kanyang amo, na siya namang nagreport sa pulisya. Rhoderick Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento