(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 8,
2014) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga salarin ang College of Business
and Development Economic Management o CBDEM ng University of Southern Mindanao.
Ayon kay CBDEM Dean Dr. Lope Dapon posibleng
nangyari umano ang pag-ransak sa kolehiyo kahapon ng madaling araw.
Ayon sa report, dalawang unit ng computers
ang natangay ng mga suspek, 5 mga wall fans at perang nagkakahalaga ng
P50,000.00.
Sinira umano ng mga kawatan ang likurang
bahagi ng gate ng college para gawing entry point at pwersahang binuksan ang
mga pintuan ng Business Administration department at silid ng Research, ayon pa
kay Dr. Dapon.
Hinalungkat pa ng mga ito ang mga drawers na
mesa ng mga faculty.
Palaisipan para sa mga taga-CBDEM kung bakit
nalusutan ng mga kawatan ang mga ito gayung may nakabantay naming security
guard tuwing gabi sa palibot ng Pamantasan. Rhoderick Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento