Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lupaing pag-aari ng isang pribadong indibiduwal sa Matalam, pinasok ng mga di pa matukoy na grupo


(Matalam, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Tensyunado ngayon ang lupaing pag-aari ng isang pribadong indibiduwal sa Sitio Kaya-kaya, Brgy. Marbel sa bayan ng Matalam, North Cotabato makaraang pasukin ng mga di pa matukoy na grupo ang lupain.

Ang nasabing Farm ay pagmamay-ari ni Danilo Estabillo Ruiz, 60 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Dalawang uri ng propaganda, inilunsad ng mga raliyista sa USM!


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Isinasagawa ng mga raliyista ang dalawang uri ng propaganda sa harap ng Admin Building at sa labas ng pamantasan ngayong araw.

Ayon kay Kabataan Partylist representative, Darwin Rey Morante, isa sa mga propagandang ilulunsad nila ngayon ay ang paaralang bayan kung saan tinatalakay dito ang serye ng mga socio-political issues at educational system lectures upang mabigyan ng kaalaman ang iba pang estudyante kaugnay sa mga nangyayaring rally sa pamantasan.

30 Motorista, huli sa Highway Inspection sa Kidapawan City!

(Kidapawan City/ February 1, 2013) ---Umaabot sa 30 motorista ang nahuli sa Kidapawan City Highway Patrol Group sa isnagawang highway inspection sa mga daanan sa nasabing bayan dakong alas onse ng umaga, kahapon.

Ayon kay City Police Director Joseph Semillano ng Kidapawan City PNP, ang paghuli sa mga motorista ay naayon sa hindi nila pagsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng kapulisan sa kampanyang no helmet, no plate, no travel policy.

Ginang natagpuan patay sa loob ng mismong bahay nila sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Natagpuan patay ang isang 39-anyos na Ginang sa loob mismo ng kanyang bahay sa isang malayong brgy. Sa bayan ng Magpet, North Cotabato alas 12:30 kahapon ng hapon.

Ayon kay police office 3 Redentor Siangco, mismong imbestigador ng kaso ng Magpet PNP, kinilala nito ang biktima na si Vilma Oclao, may tatlong anak at resident eng Sitio Pandanon, Barangay Bongalanon, Magpet.

Lalaki, huli sa isang buy bust operation sa Kabacan!


(Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Huli sa isang buy bust operation ang isang lalaki sa harap ng isang lumber yard malapit sa Polido Video-K House sa National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 5:10 ng hapon, kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Datua Sambatua Sanggania, 25 anyos, magsasaka at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.

Isang Tindahan ng motorcycle parts sa Kabacan, ninakawan


(Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Ninakawan ang isang tindahan ng motor parts ng mga ‘di pa nakikilalang salarin sa Osias, National highway,  Kabacan Cotabato dakong alas tres y medya hanggang alas kwatro ng madaling araw kahapon.

Napag-alaman na ang tindahan ay pagmamay ari ni Oscar Fernandez , residente ng nabanggit na lugar. Ayon sa kanya, tinangay ng mga kawatan ang trenta  piraso ng ipinagbibili niyang gulong ng motorsiklo  na napag alamang nakalagay o nakapwesto lamang sa labas ng kanyang tindahan. 

5-anyos na bata; patay sa kidlat sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Patay ang isang 5 taong gulang na bata makaraang tamaan ng kidlat sa Matalam, North Cotabato, Kamakalawa.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Clinton Solarte Cantomayor, 5 taong gulang at residente ng brgy. Linao ng nabanggit na bayan.

Naganap ang insidente noon pang Enero a-kinse kung saan nagtamo ang biktima ng pinamataas na degree burn dahilan kung bakit di ito nakayanan ng biktima.

Paaralang bayan; isasagawa ng mga progresibong kabataan sa USM ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Magsasagawa ngayong araw ng Paaralang bayan ang mga progresibong mga kabataan ng Unibersidad na pamumunuan ng Kabataan Partylist.

Ito ang sinabi ni North Cotabato Kabataan Partylist representative Darwin Rey Morante bilang bahagi pa rin ng kanilang kilos proteta hinggil sa kanilang panawagan na pababain sa pwesto si Re-appointed Pres Dr. Jesus Antonio Derije.

Ito ay isang pambansang hakbang kungsaan nakikiisa din ang grupo sa nasabing programa nila na isasagawa dito sa loob ng Pamantasan.

Peace covenant sa isang angkan at grupong nag-aaway sa bayan ng Makilala, North Cotabato; isinagawa


(Makilala, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Isinagawa ang Kanduli sa Kalinaw ug Kalambuan sa dalawang angkan na naglalaban sa Sitio Lacobe, Brgy. Malabuan, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ang nasabing peace covenant ay nilagdaan ng dalawang grupo.

Si Datu Tocs Baclid bilang representante ng Baclid Clan habang si Danny Llup naman mula sa FB representative.

Mga mag-aaral ng USM, hati sa naging reaksiyon sa kasalukuyang sitwasyon ng Pamantasan


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2013) ---Apektado na ang aming pag-aaral! Yan ang daing ng ilang mga estudyante ngayon sa University of Southern Mindanao matapos muling barikadahan ng mga raliyesta ang mga gate ng Pamantasan nitong lunes ng hapon hanggang sa kasalukuyan.

Sari-sari naman ang naging pahayag ng mga estudyante sa mga pangyayari ngayon sa loob ng unibersidad.

Pagbuo ng tripartite Panel, isinusulong ng LGU para pag-usapan ang lumalalang kalagayan sa USM


(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2013) ---Iginigiit ngayon ng pamahalaang lokal ng Kabacan ang pagbuo ng panel na mag-presenta sa kampo ng University of Southern Mindanao at sa mga raliyesta.

Ito ayon kay MDRRMC Officer Dr. Cedric Mantawil, bilang kinatawan ng LGU, matapos ang ginawang pagpupulong ng mga administrative key officials ng USM kahapon kay Kabacan Mayor George Tan.

Nanay na pumatay ng sariling anak arestado sa Matalam, N Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 31, 2013) ---Arestado ng mga pulis ang 21-taong gulang na misis matapos ituro’ng suspect sa pagpatay sa mismong anak nito sa bayan ng Matalam, North Cotabato.
        
Kinilala ang suspect na si Jocelyn Lavandero na taga-Barangay Linao, Matalam.
      
Sumama sa pag-aresto kay Lavandero ang municipal social welfare officer ng Matalam na si Wilma Ma-aya.

Tulak droga; arestado sa isang buybust operation sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2013) ---Arestado sa pamamagitan ng buy-bust operation ang isang tulak droga partikular sa Kamayan Place, USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Moksim Ampatuan Palot na residente ng Datu Montawal, Maguindanao.
Nanguna sa nasabing operasyon ang PDEA 12 sa katauhan ni Agent Alvin Ramos kasama ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP.

Pagdulog sa BOR; naisipang solusyon sa problema sa USM ng Faculty Association


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2013) ---Idudulog na lamang daw sa BOR ang mga problemang hinahaharap ngayon ng pamantasan, ito ang mas mainam na aksyon ng faculty association para sa sitwasyong kinalalagyan ngayon ng USM, ayon kay faculty association representative  Ronald Pascual.

Suspek sa pagbaril kay VM Pol Dulay; hawak na ng Kabacan PNP

Babae patay matapos tamaan ng kidlat sa Matalam, North cotabato


(Matalam, North Cotabato/ January 29, 2013) ---Dead on Arrival na ng dinala sa isang pagamutan ang isang babae matapos umano itong tinamaan ng kidlat noong Biyernes dakong alas 12:30 ng tanghali sa Brgy. Bangbang, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Floramae Orcasitas Suerte, 29 anyos, may asawa at residente ng Sitio Marang, Antipas Cotabato.

Suspension ng klase; ideneklara sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 29, 2013) ---Nagdeklara ng suspension ng klase ang pamunuan ng University of Southern Mindanao, ito ayon kay USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon, until further notice.

Ito ang anunsiyo ng opisyal makaraang muling sumiklab ang tensiyon sa loob ng USM, partikular sa USM Main gate, ito dahil sa ayaw na umanong papasukin ng mga raliyesta ang mga estudyante ng USM na kukuha sana ng kanilang midterm examination na nagsimula na ngayong araw.

Muling hinarangan ng mga raliyesta ng malaking truck ang Main gate ng USM at di rin nila pinapapasok kaninang mag-aalas 12 ng tanghali ang mga sasakyang dadaan naman sa USM Machinery.

Central Mindanao Airport o Mlang Rural Airport sa Mlang,North Cotabato, tatapusin na


(Kidapawan City/ January 29, 2013) ---Ipinadala nitong nakaraang taon ni North Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco ang sulat sa Department of Transportation and Communications na naglalaman ng request para sa ikatatapos ng Mlang Rural Airport o Central Mindanao Airport .

Kongreso, inaprubahan ang dagdag RTC sa North Cotabato


(Kidapawan City/ January 29, 2013) ---Inaprobahan ng 15th congress ang naging House Bill 5514 noong martes ika-dalawamput-dalawa ng enero, dahil ito sa mahinang pagproseso ng mga kasong naapila sa nag-iisang Regional Trial Court ng North Cotabato.

Ang nasabing house bill ay ipinatutupad ang pagkakaroon ng dagdag branch ng RTC Judicial ng rehiyon dose. Ito ay pinangunahan ni north Cotabato 2nd district Congresswomwn Nancy Catamco.

Istasyon ng Radyo sa Midsayap, North Cotabato niransak


(Midsayap, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Niransak at nilooban ang bagong estasyon ng radyo sa Poblacion 2 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato nito lamang sabado, Enero dalawamput-anim dakong alas-dos ng madaling araw taong kasalukuyan.

Tinangay ng mga di pa nakikilalang suspek ang isang unit ng desktop computer na pagmamay-ari ng isang Danilo Alam, 42 anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Isang bahay sa Carmen, North Cotabato natupok ng apoy

(Carmen, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Naabo ng sunog sa Carmen, North Cotabato ang isang bahay na pagamamay-ari ni Billy Saliling Pobre 48y/o residente ng Manobo Village ng nabanggit na bayan.

Ang sunog ay nangyari nito lamang nakaranng huwebes alas  diyes kwarentay singko ng gabi.

Isang establishimento sa Kabacan, ni-ransacked!


(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) --- Nilooban ng mga hindi pa matukoy na salarin ang isang establishimento sa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato na nakapwesto partikular sa likod ng Dulay Gas Station kahapon.

Ang nasabing establishimento ay pagmamay-ari ng isang Jerry delos Santos, 34 anyos at isang residente ng nasabing lugar.

Boarding House sa Kabacan, nilooban!


(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Pwersahang pinasok ng mga hindi pa natutukoy na salarin ang Masaspet’s boarding house sa Villanueva Subdivision, Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong Sabado bandang alas 2 ng madaling araw.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, natangay ng mga kawatan ang isang television set, 1 DVD player, isang speaker at isang rice cooker na pagmamay-ari ng mga nangungupahan sa nasabing boarding house.

Isang paaralan sa Lumayong, Kabacan, Cotabato; nasunog


(Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Kulang-kulang isang Milyun ang danyos sa nangyaring sunog sa USM-CED Integrated Laboratory School alas 9:15 ng gabi nitong Sabado na nasa Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay Senior Fire Inspector Ibrahim Guiamalon ginagawa na nila ngayon ang malalimang imbestigasyon kung anu ang pinagmulan ng sunog na abot sa P800,000.00 ang naabo.

Mga Colleges and Building sa Pamantasan; kinandado

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 28, 2013) ---Tuloy ang pasok ngayong umaga sa University of Southern Mindanao o USM sa kabila ng pagpadlock ng mga di pa matukoy na mga salarin sa mga building at Colleges ng Pamantasan.

Ito ang sinabi ngayong umaga ni USM vice Pres Dr. Antonio Tacardon sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ayon sa report ng USM Security Force karamihan sa mga building ng USM ang pinadlock ng mga ito gamit ang sarili nilang mga padlock.