Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagdulog sa BOR; naisipang solusyon sa problema sa USM ng Faculty Association


(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2013) ---Idudulog na lamang daw sa BOR ang mga problemang hinahaharap ngayon ng pamantasan, ito ang mas mainam na aksyon ng faculty association para sa sitwasyong kinalalagyan ngayon ng USM, ayon kay faculty association representative  Ronald Pascual.

Ang una umano nila napagmeetingan ay magsagawa ng interview para sa administrasyon at raliyesta, ngunit napagdesisyonan nito na hindi posibleng maresolba ang gulo kung ito ang kanilang gagawin, kaya’t humantong sila sa desisyon na dumulog na lamang sa mga board of regents.

Sa ngayon wala pang desisyon ang faculty kung saan ito kakampi, dahil hating-hati umano ang faculty association, imposible raw na magkaroon sila ng united stand dahil sa merong pro at meron ding against.

Hangad ni Pascual na sana ay magkaroong na nang resolusyon ang mga nangyayari sa pamantasan , dahil ang dasal lamang raw ng mga faculty ay ang makapagturo ng maayos sa mga estudyante.

Ayon naman kay Pres Jesus Antonio Derije, Board of regents lamang daw ang pwedeng makapagdesisyon para sa sya’y pababain sa apat na taong pagka re-appointed.

At dapat ay ipagpabatas na lamang ang mga aligasyon laban sa kanya. 

Ito’y nahatid na sa DOJ at Ombudsman at idaan na lamang sa mga magiging proseso.

Ayon pa sa presidente, tayo ay nasa UNibersidad na may panuntunang sinusunod at maging ang Comission on higher education ay mayroon ding batas, at marahil ang mga nananawagan ngayon ay hindi naiintidihan ang mga proseso ng batas. (Sheena Porras)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento