(USM,
Kabacan, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Magsasagawa ngayong araw ng Paaralang
bayan ang mga progresibong mga kabataan ng Unibersidad na pamumunuan ng
Kabataan Partylist.
Ito
ang sinabi ni North Cotabato Kabataan Partylist representative Darwin Rey
Morante bilang bahagi pa rin ng kanilang kilos proteta hinggil sa kanilang
panawagan na pababain sa pwesto si Re-appointed Pres Dr. Jesus Antonio Derije.
Ito
ay isang pambansang hakbang kungsaan nakikiisa din ang grupo sa nasabing
programa nila na isasagawa dito sa loob ng Pamantasan.
Una
dito, patuloy ang kanilang panawagan sa mga estudyante na makiisa sa kanilang
ipinaglalaban.
Kaugnay
nito, sinabi naman ni USM Pres. Derije na karapatan naman ngmga ito na
magsagawa ng kanilang kilos protesta, dahil bahagi ito ng demokrasya ng bansa.
Nagpapasalamat
din ang Pangulo sa pagbabalik normal ng Pamantasan kungsaan ay nabuksan na ang
mga entry points ng USM kahapon ng umaga kungsaan ang ilang mga estudyante ay
nakapagpatuloy sa pagkuha ng kanilang midterm examination kahapon.
Sinabi
pa ni Dr. Derije sa mga kawani ng USM na balik opisina muna ngayong araw para
mapunan ang ilang araw na nabalam ang ilangmga Gawain sa unibersidad dahil sa
hindi makapasok ang mga empleyado dahil sa isinasagawang kilos protesta.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento