(USM, Kabacan, North Cotabato/
January 29, 2013) ---Nagdeklara ng suspension ng klase ang pamunuan ng
University of Southern Mindanao, ito ayon kay USM Vice President for Academic
Affairs Dr. Antonio Tacardon, until further notice.
Ito ang anunsiyo ng opisyal
makaraang muling sumiklab ang tensiyon sa loob ng USM, partikular sa USM Main
gate, ito dahil sa ayaw na umanong papasukin ng mga raliyesta ang mga
estudyante ng USM na kukuha sana ng kanilang midterm examination na nagsimula
na ngayong araw.
Muling hinarangan ng mga raliyesta
ng malaking truck ang Main gate ng USM at di rin nila pinapapasok kaninang
mag-aalas 12 ng tanghali ang mga sasakyang dadaan naman sa USM Machinery.
Ito para paralisahin ang klase sa
USM.
Bilang sagot mariin naman itong itinanggi ni Derije sa pagsasabing pawang walang katotohanan ang alegasyon laban sa kanya.
Kagagawan lamang daw ito ng ilang grupo sa USM na may sariling interes sa kanyang posisyon.
Ang grupong ito ay apektado ng kanyang pinatutupad na pagbabago tungo sa matuwid na daan ni P-Noy.
Si Derije ay nahalal muli bilang presidente ng USM base naman sa ginanap na botohan ng mga miyembro ng board of regent kung saan pito ang pumabor habang tatlo ang hindi sumang-ayon.
Ang pag-upo ni Derije sa pangalawa nitong pagkakataon sa pwesto ay may basbas ng Commission on Higher Education (CHED).
Samantala, nagsagawa din ng martsa ang mga estudyanteng kalahok sa pamantasan bagama’t karamihan sa mga estudyante ng USM ay deadma lamang sa nasabing rally at naituloy naman yung kanilang pagkuha ng exam kaninang umaga.
Ngayong hapon, nais umanong ipakuha ng ilang mga raliyesta ang CCTV na nakakabit sa USM Main gate na siya naman ngayon binabantayan ng mga security force.
Kaugnay nito, ipinapatupad pa rin ng pamunuan ng USM ang maximum tolerance sa kabila ng gitgitan kanina at tensiyon, ito para walang masasakytnag mga empleyado at estudyante ng USM.
Dahilan din kung bakit nagdeklra ng suspension ng klase sa USM until further notice, ayon kay VPAA Tacardon.
Aniya, ang RA 9282 ay siya’ng isinusulong ng administration ng USM, upang maprotektahan ang Pamantasan, kahit pa man, politically motivated ang ilang mga isyu ng USM.
Sa kampo naman ng mga raliyesta, nanindigan ang mga ito na ang kanilang ginagawang kilos protesta ay nakabatay sa Batas Pambansa 880.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento