Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lupaing pag-aari ng isang pribadong indibiduwal sa Matalam, pinasok ng mga di pa matukoy na grupo


(Matalam, North Cotabato/ February 1, 2013) ---Tensyunado ngayon ang lupaing pag-aari ng isang pribadong indibiduwal sa Sitio Kaya-kaya, Brgy. Marbel sa bayan ng Matalam, North Cotabato makaraang pasukin ng mga di pa matukoy na grupo ang lupain.

Ang nasabing Farm ay pagmamay-ari ni Danilo Estabillo Ruiz, 60 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Matalam PNP, abot sa 80 ektarya ng lupain na pag-aari ni Ruiz ang nais kamkamin ngnasabing grupo.

Dahil sa ayaw ibigay ng may-ari ang nasabing malawak na lupain nito, muling binalikan ng di pa matukoy na grupo ang lugar alas 7:00 kagabi.

Hindi pa makuntento ang sampung mga kalalakihan na di pa mabatid ang pagkakakilanlan ay kanilang pang ni-sprayhan ang biktima gamit ang di pa matukoy na kemikals.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP kung anu ang ugat ng nasabing gulo. (Randy Yap, DXVL News)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento