(Kidapawan City/ January 29, 2013) ---Ipinadala
nitong nakaraang taon ni North Cotabato 2nd District Representative
Nancy Catamco ang sulat sa Department of Transportation and Communications na
naglalaman ng request para sa ikatatapos ng Mlang Rural Airport o Central
Mindanao Airport .
Natanggap na rin ng opisina ni Congresswoman
Nancy Catamco ang tugon ng DTC na nagsasabing naipasa na rin nila sa Department
of Budget and Management o DBM ang paghiling ng pinanansyal na tulong ng North
Cotabato sa pamahalaang nasyonal upang tuluyan nang matapos ang nasabing
airport.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P136,000,000
na siya namang inaasahang maaprubahan agad at maisaayos na ang proyekto. (John
Ancheta. DXVL News!)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento