(Kidapawan
City/ February 1, 2013) ---Umaabot sa 30 motorista ang nahuli sa Kidapawan City
Highway Patrol Group sa isnagawang highway inspection sa mga daanan sa nasabing
bayan dakong alas onse ng umaga, kahapon.
Ayon
kay City Police Director Joseph Semillano ng Kidapawan City PNP, ang paghuli sa
mga motorista ay naayon sa hindi nila pagsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng
kapulisan sa kampanyang no helmet, no plate, no travel policy.
Dagdag
pa aniya, ang mga naunang naganap na krimen sa bayan gaya ng pagpatay ay gawa
umano ng mga riding-in-tandem na walang mga plaka.
Sa
ngayon, hindi umano titigil ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng mga batas sa
bayan lalong lalo na ngayong papalapit na eleksiyon. Debby Piñero, DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento