Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na pumatay sa bangkay na nakitang palutang-lutang sa Pulangi river sa Pedtad, boluntaryong sumuko sa isang mataas na lider ng MNLF

(Kabacan/December 20, 2011) --- Kasong Murder ang posibleng kakaharapin ng suspek na boluntaryong sumuko sa lider ng Moro National Liberartion Front o MNLF kumander na si Datu Dima Ambel ng brgy. Kilada, Matalam, Cotabato.

Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ni Deputy chief of Police Police Senior Inspector Jubernadi Panes ang suspek na si Abubakar Kumawit, 43-anyos, may asawa at residente ng brgy. Pedtad, Kabacan na boluntaryong sumuko ay Datu Ambel alas 5:30 ng hapon noong Sabado.

Kung matatandaan si Kumawit ang itinuturong pangunahing suspek sa pamamaslang patay kay Kaharudin Alamada na nakitang palutang-lutang ang bangkay nito noong umaga ng December 10 ng isang magsasaka sa Pulangi river sa Brgy. Pedtad.

Di raw nakayanan ng konsensiya nito ang kanyang nagawa dahilan kung bakit ito sumuko sa batas.

Sa ngayon iniimbestigahan na ang kaso nitong habang nasa kustodiya ito ng Kabacan PNP.

Si Kumawit ay itinurn-over ni Datu Ambel sa Matalam PNP kungsaan initurn-over naman siya dito ng Matalam PNP sa Kabacan Municipal Police Station.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento