(Kabacan/December 22, 2011) --- Nagbabala ngayon ang pamunuan ng LGU Kabacan sa publiko partikular sa mga public commuters na kung maari ay iwasan ang pagsakay sa mga kolurum o mga bogus na mga tricycle o trisicabs at yung mga hindi nakapagrehistro ng kanilang plate number.
Ito dahil sa marami umano dito sa bayan ng Kabacan ang mga namamasada na hindi lehitimong drivers.
Ayon sa report karamihan sa mga ito ay mga minor de edad at yung mga iba naman ay bagong salta lamang sa lugar at hindi taga-Kabacan at di rin nila alam ang mga pangunahing kalye at lansangan ng bayan.
Kung kaya’t marami sa mga pasahero ang umaangal na mali ang direksiyon sa mga lugar na paghatdan sa mga mananakay.
Kaugnay nito may niluluto ng aksiyon ang pamahalaang lokal ng bayan hinggil sa nasabing problema.
Ang panawagan ay ginawa ng mga opisyal ng bayan upang maiwasan na rin ang mga krimen kagaya ng hold-up, kidnapping, rape at iba pa. (written by: Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento