Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tulong ng mga taga-Kabacan sa CDO, tuloy-tuloy

BAHAGI na ng panganib sa pagiging pulis o sundalo ang masugatan o ang pinakamatindi, ang mamatay, habang ginagawa ang trabaho.
        Ito ang nangyari sa tatlong mga miyembro ng Bukidnon PNP na nasawi matapos rumesponde sa search at rescue operations noong Linggo.
        Kinilala ni Lt. Col. Leopoldo Galon, ang press information officer ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, ang mga nasawi’ng mga rumespondeng pulis na sina Sr. Insp. Arnold Bustarde, Inspector Charlito Penular, at SPO1 Charlon Edrote.
        Samantala, missing pa rin hanggang sa ngayon si Police Officer 2 Sandy Labadan.
       
        SA IBA PANG BALITA, namahagi rin ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Sendong ang 57th Infantry Battalion ng Army na nakabase sa Makilala.
        Ang mga relief items inihatid nila sa headquarters ng 6th ID sa Camp Siongco sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao para maisakay sa military assets.
Kagabi dumating na sa Cotabato city ang mga 6x6 na mga sasakyan na naghatid ng mga relief items pati na rin ang tulong ng world food Program.
        Samantala, nagdatingan din ang mga tulong at mga donasyong mga damit at iba pang gamit ditto sa DXVL FM karamihan sa mga tulong ay mula sa USM Faculty at ilan pang mga sector buhat ditto sa bayan ng Kabacan at ibang lugar.
Ngayong araw nakatakdang namang tumulak ang ilang staff ng USM Hospital para maghatid rin ng tulong donasyon sa mga nagging biktima ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan.
        Kaugnay nito maging ang JRS Express Kabacan Branch ay bukas din sa anumang tulong o donasyon sa mga nagging biktima ng kalamidad sa Cagayan kungsaan free of Charge ang kanilang service sa paghahatid ng nasabing mga tulong doon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento