Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nagliliwanag na bahay sa sentro ng Makilala panibagong atraksyon ngayong kapaskuhan

MARAMI sa mga commuters ang napapa-WOW dahil sa kumukuti-kutitap na Christmas lights sa mismong bahay na pag-aari ni Exequiel Vega sa may national highway na nasa sentro ng Poblacion sa bayan ng Makilala.

Ang karamihan sa mga commuters, titigil talaga sa tapat ng bahay ni Vega para lang magpakuha ng litrato. Marami din sa mga residente mula sa ibang bayan ay dumadayo pa sa sentro ng Poblacion para lang saksihan ang napakamakulay na bahay ng mga Vega.

Sa ngayon, atraksyon sa bahay nila ang mga taong naka-damit na Santa Claus na nagliliwanag din at sumasayaw sa saliw ng Christmas carol.

SAMANTALA, sa tabi ng bahay ng mga Vega, agaw-atraksyon din ang nagliliwanag na municipal hall at plaza ng Makilala. Ayon kay Makilala mayor Rudy Caoagdan, nais nila na makuha ang atensyon ng mga commuters at mga residente, lalo na ngayong Kapaskuhan.

Kada Biyernes ng gabi, may libreng entertainment sa plaza ng Makilala kung saan tampok ang performance ng Makilala LGU Band. Agaw-atensiyon din ang nagliliwanag na Petron Gasoline stations sa highway ng Kidapawan City na taunan din nilang ginagawa.

Marami din ang nagpapa-picture na mga commuters sa harap ng Petron, lalo na ang itinayong belen.

ATRAKSYON din sa national highway sa Amas Complex ang nagliliwanag na tila-Disneyland na plaza ng North Cotabato provincial government. Kumukuti-kutitap din ang mga itinayo na mga castle, at mga ilaw sa mga bulaklak, pine trees, at iba pa’ng puno na animo’y Disneyland sa gitna ng highway sa North Cotabato.

Samantala, dito naman sa bayan ng Kabacan dinadayo din ng ilan ang Plaza ng Kabacan tuwing gabi dahil sa kumukutikutitap din na mga Christmas lights mula sa Kabacan Municipal Hall, mga punong umiilaw at makikita din ang mga patay sindi na mga Christmas lights sa mga pader at palibot ng Plaza.

Tuwing gabi naman, agaw atensiyon din ang kakaibang mga Christmas tree ng Kabacan Water district na napapalibutan ng mga Christmas lights.

Hindi rin magpapahuli ang USM sa mga maliwanag na Christmas lights na tuwing gabi, sa welcome pa lamang ay makikita na ang mga patay sindi na Christmas lights at maging ang Administration Building ay lumiliwanag din sa kakaibang mga ilaw nito. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento