Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 kritikal 2 iba pa sugatan sa vehicular accident sa Kabacan

(Kabacan/December 20, 2011) --Kritikal ang isang tricycle driver makaraang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo sa National Highway partikular sa roundball na nasa Crossing Bonifacio St., alas 3:20 kahapon ng madaling araw.

Ayon kay P01 Amor Guillermo ng Kabacan Traffic Police napag-alamang habang binabaybay ng isang Kawasaki tricycle na minamaneho ni Santiago Tomas, nasa tamang edad at residente ng Katidtuan ng nabanggit na lugar ang National Highway buhat sa Bonifacio St. ng aksidenteng mabangga ito ng Motopost 125 na minamaneho ni Diana Rose Gringio.

Si Gringio, ay may backrider na nakilalang si Omar Mimbala, 26-anyos at residente ng Ulangkaya Compound, Kabacan.

Ang dalawa ay kapwa sugatan rin sa nasabing vehicular accident pero mas kritikal naman ang driver ng motorsiklo na mabilis namang isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital subalit di kalaunan ay dinala na ito kahapon sa Davao city para sa kanyang masusing operasyon.

Samantala sa iba pang mga balita, huli ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang personal Body guard ni Pagalungan Mayor Datu Norodin Matalam dahil sa pagdadala ng di lisensyadong armas sa isang inuman dito sa bayan.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspetsado na si Akmad Dagiman, 36-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Nakuha mula kay Dagiman ang M16 na N2-3 na baril.
Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang nasabing suspetsado. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento