Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamahalaang lokal ng bayan ng Kabacan magbibigay ng tig-P100,000.00 sa CDO at Iligan City

(Kabacan/December 22, 2011) --- Magbibigay ang pamahalaang lokal ng Bayan ng Kabacan ng P100,000.00 sa Cagayan de Oro City at P100,000.00 din para sa Iligan city bilang tulong nito sa mga naging biktima ng Bagyong Sendong sa nasabing lugar.

Ang hakbang ay ginawa ni Kabacan Mayor George Tan makaraang ipinatawag nito kahapon ang mga Technical Working group ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC Kabacan.

Ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib, ang nasabing pondo ay manggagaling sa Calamity Fund na 5% mula sa kabuuang IRA ng LGU.

Kaugnay nito sinabi pa ni Facurib na ang bayan ng Kabacan ay may mga contingency plan ng inilatag upang maiwasan ng mas maaga ang anumang trahedya partikular na nangyari sa Cagayan de Oro city, Iligan at Bukidnon.

Sinabi pa ng opisyal na noon pa man bago pa nanalasa ang Bagyong Sendong sa Hilagang Bahagi ng Mindanao na nag-iwan ng maraming patay ay may niluluto ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang LGU Kabacan.

Kaugnay nito, kamakailan isinagawa sa Felis Resort Complex, Matina, Aplaya, Davao city ang pagbuo ng komite ng MDRRMC Technical Working Group na dinaluhan ng ilang mga matatas na opisyal ng bayan at mga heads ng LGU Kabacan.

Maliban doon ay naglatag na rin sila ng Disaster code kungsaan tinukoy ng mga ito ang mga lugar o brgy na vulnerable sa mga sa anumang mga Man-Made at Natural Calamities.

Ayon kay Facurib, ang bayan ng Kabacan ay minsan pa’y naging vulnerable na rin sa mga flashfloods, Drought at Rat Infestation habang natukoy naman ang 14 na mga brgy nito na apektado ng armed conflict. (Written by: Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento