(written by: Rhoderick Beñez)
(Kabacan, North Cotabato) December 23, 2011 --- Mangiyak-ngiyak at walang masidlan ng tuwa ng surpresahin ng mga kasapi ng MSWDO Kabacan kahapon kasama ng DXVL News si Regina Tenebro ng Purok 3, Malamote, Kabacan makaraang mabigyan ng wheelchair ang anak nito na may cerebral palsy.
Ayon kay Kabacan Person’s with Disability focal Person Honey Joy Cabellon ang nasabing Wheelchair ay ibinigay ng J-Peace Union sa pakikipagtulungan ng MSWDO Kabacan.
Si Kenneth Tenebro, anim na taong gulang ay maroong tinatawag na Cerebral Palsy, isang movement disorders na nagreresulta mula sa pagkasira ng utak.
Kaya naman sa pamamagitan ng pagbibigay ng nasabing tulong ay malaking ginhawa ito para kay ginang Tenebro.
Sa ngayon si Kenneth ay abot na sa dalawampung kilo at mahirap na para kay ginang Tenebro na buhat-buhatin ang bata.
Ito dahil sa naninigas ang mga kamay at binti nito at hirap siyang umupo ng tuwid ng walang tulong mula sa ibang tao.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento