Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tubig mula sa Asik-asik Falls, nakapagpapagaling daw?

(Alamada, North Cotabato) ---Marami na umano ang napagaling ng tubig na galing sa Asik-asik Falls, ang bagong diskubreng Spring Falls mula sa bayan ng Alamada.

Ito ayon sa ilang mga residente sa lugar na nagpatotoo sa nasabing paniniwala.
 
Ayon kay Reynan Dequina, 32 isa sa mga nakadiskubre rin ng nasabing falls may isa umanong matanda na mula sa Brgy. Dado na maliban sa di ito makakalakad ng malayo ay marami itong sakit na dinaramdam.

Subalit ng maka-inom ng tubig at naligo mismo sa asik-asik falls ay naibsan ang karamdaman nito.

Mga Sundalo, ilang mga brgy opisyal at Muslim elders namagitan na sa nangyaring sagupaan ng MILF at MNLF sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/May 18, 2012)Nagpatawag na ng pagpupulong ang ilang mga brgy. opisyal ng Brgy. Tonganon sa bayan ng Carmen kasama ang mga muslim elders at mga sundalo upang pag-usapan ang nangyaring bakbakan ng dalawang grupo sa lugar.

Muli kasing sumiklab ang labanan kahapon ng umaga sa Sitio Misalan, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato sa pagitan ng dalawang grupo na pinamumunuan ni Kumander Tarzan Karim mula sa Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng Moro National Liberation Front o MNLF na pinamumunuan naman ni Kumander Teo Mananimbong.

Ilang mga malalaking establisiemento sa Kabacan; maraming paglabag sa Fire safety code ---BFP

(Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Marami umanong mga paglabag sa fire Safety code ang ilang mga malalaking establisiemento sa bayan ng Kabacan matapos ang isinagawang surprise inspection ng Bureau of fire Protection ng Kabacan ngayong araw. 

Ito ang napag-alaman mula kay Senior Fire Marshall Ibrahim Guiamalon kungsaan aabutin pa umano ng lima hanggang sampung minuto bago mabuksan ang lock ng fire exit ng 8 Furtune, isang department Store na nasa National Highway.

Ilang mga kursong may licensure exam, dapat munang mag-review kaya TOR pinahohold ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Inihayag ngayon ni Dr. Anita Tacardon, Manager ng USM Review Center na sasailalim muna sa masusing review ang anim na mga kursong kukuha ng licensure examination bago ibibigay ang kanilang transcript of Records o TOR mula sa University Registrar.

Ito upang matiyak na ang lahat ng mga kukuha ng eksaminasyon ay dumaan sa pag-review upang maiwasan ang mababang passing rate ng Pamantasan sa lahat ng mga programs na offer nito na may licensure exams.

Daan-daang mga guro mula sa ARMM sumasailalim ngayon sa K=12 training sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Nagpapatuloy ngayong araw sa University of Southern Mindanao ang ikalawang batch ng mga gurong sasailalim sa traning sa ipapa-implemantang K+12 na programa ng Department of Education o DepEd mula sa ARMM.

Ayon kay Dr. Kutin Kulano ang Training coordinator ng nasabing programa ngayong araw din magtatapos ang 1st batch ng mga gurong magtuturo sa K+12 kungsaan ang USM ang magiging service Provider sa mga grade 7 teachers o yung mga 1st year high school teacher sa dating curriculum.

6 na mga kurso sa USM na may licensure examinations, pinahohold ang TOR; pero TOR ng mga Nursing graduates, ni-rerelease naman

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Anim na mga programs with licensure examinations sa USM ang pansamantalang pinahohold ang mga Transcript of Records o TOR upang tiyakin na ang lahat ng mga kukuha ng eksaminasyon ay sumailalim sa review.

Ito ang sinabi kahapon ni Dr. Anita Tacardon matapos ang inilabas na memo sa tanggapan ng USM review Center kungsaan kabilang sa mga kursong dapat ay dumaan sa masusing pagreview ay ang: Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics, Bachelor of Arts in English at bachelor of Library and Information Science.

3 katao, puro magkakapamilya sugatan makaraang pagtatagain sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/May 16, 2012) ---Nagpapagaling ngayon ang mag-asawang Alfredo at Emelda Tanaib sa ospital makaraang pagtatagain sa mismong bahay nila sa Purok 3, brgy Sarayan, Matalam, Cotabato dakong alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ng Matalam PNP ang mag-amang suspetsado na sina Benjamin at Melvin Lamaclamac na residente rin ng nabanggit na lugar.

2 Stroke na mga motorsiklo bawal ng pumasok sa USM; simula ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/May 15, 2012) ---Dapat umanong nakarehistro ang isang pampasaherong tricycle na may ruta o biyahe sa loob ng University of Southern Mindanao Main Campus upang mabigyan ng Driver’s ID at sticker na may logo ng USM.

Ito ayon kay USM Security Services Management Director Orlando Forro at kapag walang sticker na nakapaskil ay hindi nila papasukin.

Brigada Eskwela sa Division ng North Cotabato; aarangkada na!

(Kabacan, North Cotabato/May 15, 2012) ---Ngayong linggo na magsisimula ang Brigada Eskwela sa probinsiya ng North Cotabato, ito upang ihanda ang bawat paaralan para sa darating na pasukan.

Sinabi ni North Cotabato DepEd Supervisor Alfred Sagucam na magtulong-tulong sa nasabing gawain ang mga guro, magulang ng mga bata at iba pang organisasyon upang linisin ang paligid ng kanilang paaralan, pagkukumpuni ng mga upuan, paglalagay ng pintura at iba pa para maisaayos na ang eskwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo a-kwatro.

Matapang na firemarshall ng North Cotabato, nagretiro na

(Kidapawan City/May 14, 2012) ---Pormal ng nagretiro nitong Sabado ang Provincial Marshall ng North Cotabato na si Supt. Romeo Tactaquin  kungsaan di na nito inakala na makakaabot pa siya sa araw ng kanyang retirement.

Akala kasi ng opisyal na katapusan niya na noong Pebrero a-19 matapos na matamaan ng shrapnel ng 81-mm mortar na itinanim sa mismong kinatatayuan nito noong inatake ang city Jail ng Kidapawan.

Aniya maging ang ilang mga ngipin nito ay nawala matapos ang pangyayari, tatalong buwan na angnakararaan matapos ang insedente.

18 mga OSY sa Kabacan; sumailalim sa Government Internship Program o GIP ng DSWD

(Kabacan, North Cotabato/May 14, 2012) ---Labin walong mga Out of School Youth dito sa Kabacan ang sumailalim ngayon sa programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na Government Internship Program o GIP.  
                   
Ayon kay Kabacan MSWD Officer Susan Macalipat, edad 18 hanggang 30 ang kwalipikado sa nasabing programa at karamihan sa mga ito ay drop –out sa eskwelahan.  

Core Competency Training on early Childhood Development sa Kabacan; magtatapos na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/May 15, 2012) ---Magtatapos ngayong araw ang Core Competency Training on early Childhood Development sa Municipal Training hall ditto sa bayan ng Kabacan na nagsimula nito pang Lunes.

Layon ng programa na bigyan ng kaalaman ang mga partisipante mula sa iba’t-ibang barangay ng bayan hinggil sa nasabing programa na pangungunahan ni MSWD Officer Susan Macalipat.    

Kalinisan sa Asik-asik falls, panatilihin- Local officials

(Alamada, North Cotabato/May 15, 2012) ---Hiniling ngayon ng mga lokal na opisyal ng bayan ng Alamada sa mga bumibisita sa Asik- asik falls na panatilihing malinis ang kapaligiran sa lugar.

Nakita ng mga opisyal na may mga pakalat-kalat na mga plastic wrappers at iba pang mga basura sa paligid ng Asik- asik falls. 

Hinihikayat naman ni Alamada Vice Mayor Toto Calibara ang mga grupong nagtutungo sa Asik-asik na maging responsable sa mga basura at huwag magkalat sa lugar upang mapanatili ang kagandahang angkin ng falls.

Mga estudyanteng sumailalim sa SPES program ng DOLE sa Kabacan, magtatapos na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/May 14, 2012) ---Magtatapos na ngayong araw ang dalawampung araw na trabaho ng mga estudyanteng sumailalim sa Special Program for Employment of Students o SPES dito sa bayan ng Kabacan.

Ayon sa report abot sa 70 mga estudyante ang sumailalim sa nasabing programa na nahahati sa dalawang batch.

Swimming resort sa isang dati ay rebel-influenced area sa bayan ng Makilala, North Cotabato sentro na ng turismo


(Makilala, North Cotabato/May 14, 2012) ---Ang dating magulong barangay sa bayan ng Makilala, North Cotabato, ngayon sentro na ng turismo.
         
Ito ay matapos itayo sa Barangay Santo Nino – isa sa mga lugar na dati ay impluwensiyado ng armadong grupo, ang Haven’s View na isang swimming resort.
         
Ayon sa may-ari ng resort, noon lamang Disyembre nila binuksan sa publiko ang Haven’s View.

Driver na lolo sugatan sa nangyaring pananaksak sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 14, 2012) ---Sugatan ang isang lolo makaraang pagsasaksakin ng di pa nakilalang salarin sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 12:25 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni SP01 Kenneth Garbin, police investigator ng Kabacan PNP ang biktima na si Jaime Aguilar Quisquirin, 69, driver at residente ng CFCST Duroloman, Magpet, Cotabato.

Paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Makilala, Cotabato, mahigpit na ipinagbabawal

(Makilala, North Cotabato/May 14, 2012) ---Patuloy ang paghihigpit ng pamahalaang bayan ng Makilala sa lalawigan ng Cotabato sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. 

Ayon kay Odin Deseo, consultant ng Public Safety Division ng tanggapan ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, kanilang hinihigpitan ang pagbabantay sa mga paglabag sa Municipal Ordinance No. 28-98. 

Development plan para sa Asik- asik falls, inihahanda na

(Alamada, North Cotabato/May 13, 2012) ---Matapos ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga taong nais makita ang kagandahan ng Asik-asik spring falls sa Barangay Dado, Alamada, nagsagawa ng workshop ang itinalagang TWG o technical working group upang tukuyin ang mga problema at masolusyon kaagad sa lalong madaling panahon.

Isa sa naging sentro ng pagpupulong ay ang hindi magandang kondisyon ng daan patungo sa mismong lokasyon ng falls.

Kaso ng Rabies sa Kidapawan City; ikinalarma na ng mga otoridad

(Kidapawan City/May 13, 2012) ---Binawian ng buhay ang isang lalaki na taga-kidapawan City matapos na makagat ng alagang tuta kamakalawa.

Ayon sa report ni GMA-7 News stringer Williamor Magbanua, namatay ang biktima na si Samson Dayanan, 48-taong gulang, matapos makagat ng alagang aso nito mahigit ang isang buwang nakakaraan. 

Ipa- insure ang mga alagang hayop- ATI 12

(Kidapawan city/May 12, 2012) ---Hinikayat ng mga kinatawan ng Agricultural Training Institute o ATI  ang bawat miyembro ng 4H Clubs sa North Cotabato na ipa- insure ang mga alagang hayop.

Sa ginanap na project assessment kahapon sa Kidapawan City, sinabi ni ATI- 12 Regional 4H Club focal person May Guiang na dapat ay napa- insure ng mga benipisyaryo ang kanilang mga alagang hayop na natanggap mula sa ATI Livelihood Assistance Program.

Magpet DSWD, na aalarma sa pag taas ng kaso ng paglabag sa R.A. 9262 o Violence against Women and Children

(Magpet, North Cotabato/May 11, 2012) ---Naalarma na ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng Magpet, North Cotabato dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso hinggil sa paglabag sa R.A. 9262 o Violence against Women and Children.

Ayon kay Magpet DSWD Officer Antonia Fernandez, umabot na sa siyam na kaso ang kanilang naitala sa unang quarter pa lamang ng taong ito.

Gayunpaman, ito raw ay positibong senyales na nagiging mas matalino na sa ngayon ang mga kababaihang nakakaranas ng pananakit.

Pasahero ng multicab sugatan sa aksidente sa daan; 1 pang vehicular accident naitala ng Kabacan traffic division

(Kabacan, North Cotabato/May 11, 2012) ---Mabilis na isinugod sa pagamutan ang isang pasahero ng Multicab na nakilalang si Cherry Ruiz, residente ng brgy. Kibudok, Matalam makaraang masugatan sa nangyaring vehicular accident sa National Highway, Kabacan, Cotabato particular sa Rizal St., alas 11:00 ng umaga kamakalawa.

Sangkot sa nasabing insedente ang isang pampasaherong Suzuki Multicab, kulay berde na may plate number MVW-470 na minamaneho ni Leo Collintas Lacaza, 33 at residente ng PNP Barracks, Tagum city, at isang Toyota Innova Wagon na may plate number LHB 910 na minamaneho ni Rodolfo Entela, 57, residente ng Poblacion Tagbira, Surigao del Sur.

Binatilyo sugatan matapos mabundol ang minamaneho nitong bisikleta sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/May 11, 2012) ---Sugatan ang isang Maynard Sabutan, 15-taong gulang, residente ng Brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato makaraang mabundol ang minamaneho nitong bisekleta ng isang kulay pulang XRM motorcycle  kahapon.

Batay sa report ng Kabacan Traffic Division nangyari ang insedente sa may Thomas Claudio St., Purok Chrislam, Poblacion ng bayang ito.