Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kaso ng Rabies sa Kidapawan City; ikinalarma na ng mga otoridad

(Kidapawan City/May 13, 2012) ---Binawian ng buhay ang isang lalaki na taga-kidapawan City matapos na makagat ng alagang tuta kamakalawa.


Ayon sa report ni GMA-7 News stringer Williamor Magbanua, namatay ang biktima na si Samson Dayanan, 48-taong gulang, matapos makagat ng alagang aso nito mahigit ang isang buwang nakakaraan. 

Kwento ng asawang si Malou, namatay ang tuta isang araw matapos makagat ang mister, pero hinayaan ng mister ang kagat ng aso at di nagpabakuna.

Hanggang sa makaramdam daw ng pananakip ng dibdib ang mister nito.

Ayon sa mga doctor, sintomas ng rabies ang pagkatakot sa hangin at tubig, lagnat, sakit ng ulo at kawalang gana kumain.  
                                                                                              
Kaya naman ikinabahala ito ng health officials sa Kidapawan. Kung matatandaan, isa ring taga-Kabacan ang namatay nakilalang si Diosdado Condrillon matapos magakat din ng asong ulol noong Marso-8. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento