Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga malalaking establisiemento sa Kabacan; maraming paglabag sa Fire safety code ---BFP

(Kabacan, North Cotabato/May 16, 2012) ---Marami umanong mga paglabag sa fire Safety code ang ilang mga malalaking establisiemento sa bayan ng Kabacan matapos ang isinagawang surprise inspection ng Bureau of fire Protection ng Kabacan ngayong araw. 


Ito ang napag-alaman mula kay Senior Fire Marshall Ibrahim Guiamalon kungsaan aabutin pa umano ng lima hanggang sampung minuto bago mabuksan ang lock ng fire exit ng 8 Furtune, isang department Store na nasa National Highway.

Kaya naman, ikinababahala ito ng opisyal, sinabi ni Guiamalon sa pamunuan ng nasabing department store na mas mabuting ayusin sa lalong madaling panahon upang madaling lisanin ang lugar sa pamamagitan ng fire exit sakaling may sunog o sakunang mangyayari.

Maliban dito, nakatambak rin umano ang mga light materials kagaya ng cartoons sa bodega ng sugni super store na possible rin daw umanong pagmulan ng apoy.

Habang may kaunting violations naman ang gusali ng NovoJeans na di pa nabamggit ng opisyal.
Sa ngayon, magpapatuloy pa ang kanilang operasyon para tiyaking nasa ligtas na kondisyon ang lahat ng mga gusali sa Kabacan.

Sa susunod na linggo ay isisnod naman nila ang mga dormitories at mga lodging houses sa bayan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento