Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao, puro magkakapamilya sugatan makaraang pagtatagain sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/May 16, 2012) ---Nagpapagaling ngayon ang mag-asawang Alfredo at Emelda Tanaib sa ospital makaraang pagtatagain sa mismong bahay nila sa Purok 3, brgy Sarayan, Matalam, Cotabato dakong alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.


Kinilala ng Matalam PNP ang mag-amang suspetsado na sina Benjamin at Melvin Lamaclamac na residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa inisyal na pagsisisayat ng Matalam PNP lumalabas na nagsimula umano sa di pagkakaintindihan ang nangyaring pakikipagtalastasan ng mga ito na humantong sa di pagkakaintindihan.

At dahil nasa impluwensiya ng alak ang dalawang suspetsadong Lamaclamac dumilim ang kanilang paningin at pinagtataga ang mag-asawang Alfredo  at Emelda kasama ang kanilang anak na nadamay sa nasabing away na nakilalang si Alex.

Bagama’t di napuruhan ang batang Tanaib, isinugod naman sa Amas provincial hospital ang magulang nito.

Patuloy namang pinaghahanap sa batas ang mag-amang salarin para mapanagot sa krimeng ginawa. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento