Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga estudyanteng sumailalim sa SPES program ng DOLE sa Kabacan, magtatapos na ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/May 14, 2012) ---Magtatapos na ngayong araw ang dalawampung araw na trabaho ng mga estudyanteng sumailalim sa Special Program for Employment of Students o SPES dito sa bayan ng Kabacan.


Ayon sa report abot sa 70 mga estudyante ang sumailalim sa nasabing programa na nahahati sa dalawang batch.

Karamihan sa mga ito ay na-assign sa opisina ng munisipyo ng Kabacan at sa ilang mga pribadong kompanya sa bayan.

Ang nasabing programa ay taunang isinasagawa tuwing summer upang mabigyan ng trabaho ang mga estudyante habang nasa bakasyon at ang bayad na kanilang matatanggap ay maaring pang-enroll sa pasukan.

Tatanggap ang nasabing mga estudyante ng P2,500 mula sa LGU o sa kompanyang pinagtatrabahuan habang P1,680 naman ang magiging counterpart ng DOLE sa kanila. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento