(Makilala,
North Cotabato/May 14, 2012) ---Patuloy ang paghihigpit ng pamahalaang bayan ng
Makilala sa lalawigan ng Cotabato sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Odin Deseo, consultant ng Public Safety Division ng tanggapan ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan, kanilang hinihigpitan ang pagbabantay sa mga paglabag sa Municipal Ordinance No. 28-98.
Naging maayos naman umano ang pagsunod ng mga residente sa nasabing ordinansa lalo na sa loob ng pamilihang bayan.
Kadalasan umanong nahuhuli ng paglabag sa nasabing ordinansa ay hindi mga residente ng bayan, ayon kay Deseo, kung kaya't kanila umanong pinaiigting pa ang pagpapa-alam sa publiko hinggil sa nasabing batas.
Ang paglabag sa nasabing ordinansa ay papatawan sa unang pagkahuli ng pagbayad ng P100 o tatlong oras na community works; P500 para sa ikalawang pagkahuli o katumbas na walong oras na community works at ang pangatlong beses na pagkahuli ay multang P2,500 o pagkabilanggo ng tatlong buwan, ayon kay Deseo. (ac agad PIA12)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento