(Carmen, North Cotabato/May 18, 2012)Nagpatawag
na ng pagpupulong ang ilang mga brgy. opisyal ng Brgy. Tonganon sa bayan ng
Carmen kasama ang mga muslim elders at mga sundalo upang pag-usapan ang
nangyaring bakbakan ng dalawang grupo sa lugar.
Muli kasing sumiklab ang labanan kahapon ng
umaga sa Sitio Misalan, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato sa pagitan ng
dalawang grupo na pinamumunuan ni Kumander Tarzan Karim mula sa Moro Islamic
Liberation Front o MILF at ng Moro National Liberation Front o MNLF na
pinamumunuan naman ni Kumander Teo Mananimbong.
Sa panayam ng DXVL News kay P/Chief Insp.
Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP, wala naman umanong may nasugatan o nasawi
sa panibagong sagupaan sa lugar.
Nagtagal ng ilang oras ang palitan ng putok
sa dalawang naglalabang grupo at humupa lamang ang girian ng dumating na sa
lugar ang dalawang tropa ng militar.
Agad namang nagsilikas ang apat na mga
pamilya sa brgy. Tupig matapos na madamay sa nasabing bakbakan.
Kaugnay nito, nagbigay naman ng tulong ang
MSWDO Carmen sa mga nagsilikas na pamilya.
Inaalam na ng mga otoridad kung awayan sa
lupa o rido nga ba ang dahilan ng nasabing girian sa lugar. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento